Friday , April 19 2024

Nag-Asian Tour kasama ang pamilya… JC Garcia maraming pinasaya sa pagbabalik sa Filipinas

Dumating sa Filipinas last week ang Sanfo based recording artist/dancer/internet radio anchor na si JC Garcia. Pagtuntong ni JC sa bansa kahit may jetlag pa sa ilang oras na biyahe ay agad siyang inaya ng kanyang classmates and teachers ng reunion sa Buffet 101 sa Mall of Asia.

Kami naman ng Bff kong si Pete Ampoloquio, Jr., at Abe Paulite ay nagtungo noong gabing iyon sa Dusit Thani Hotel (dito naka-check in si JC) para makita ang amigo naming singer, na kami ini-entertain at pinakain with matching pasalubong pa.

At sa interbiyu namin kay JC, hindi siya magtatagal sa Filipinas kaya ‘yung concert na gusto niyang gawin ay sa pagbabalik na niya sa September mangyayari at mukhang ang Diva noong 80s na si Marissa Tubig na kaibigan niya in real life ang kanyang back-to-back.

Nasa Singapore ngayon si JC kasama ang kanyang eldest brother at pamangking artistahing tulad niya na si Jonathan at isa pang pamangking babae at inenjoy nila ang pagbisita sa Universal Studios at famous Plaza Singapura.

And this month, ang Asian Tour ang pag­kakaabalahan ng nasabing recording artist kaya saan tutungo siya sa Dubai, Hong Kong at Bangkok, Thailand.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Peter Ledesma

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *