Friday , February 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joaquin Domagoso, isang ghost hunter sa Jolly Spirit Squad
Joaquin Domagoso, isang ghost hunter sa Jolly Spirit Squad

Joaquin Domagoso, isang ghost hunter sa Jolly Spirit Squad

KAABANG-ABANG ang launching movie ni Joaquin Domagoso titled Jolly Spirit Squad. Ito ay mula sa BMW8 Entertainment at Joyful Robot Productions at sa pamamahala nina Eduardo Reyes, Jr., & Chiqui Lacsamana.

Sa pelikula ay magiging love interest niya ang magandang bagets na si Angela Evange­lista.

Nagkuwento ang guwa­pitong anak ni Manila Mayor Isko Moreno sa role niya sa movie.

“Ako ay isang parang ghost hunter, I can feel spirits and from there, parang noong bata ako, ‘yung mommy ko hindi niya ma-understand ‘yung powers ko. Pero for me, ito ‘yung gusto kong ituloy na tumulong sa spirits. Nag-away kami ng mommy ko, big time tapos umalis na ako ng bahay, kasi feel ko nawe-weirdan lagi sila sa akin,” saad ni Joaquin.

Sinabi ni JD (tawag kay Joaquin) na family-friendly at pangbuong barkada ang kanilang pelikula.

“Funny, iyon ‘yung masasabi ko. There’s a lot of witty jokes, makikita mong family-friendly. It’s something you’d watch with your friends and family. Mag-e-enjoy ang moviegoers, a lot of actions, siguro maraming action, marami rin ghosts, pero funny lang talaga.”

Parang mga bagets na ghosts busters ba sila sa movie?  ”Well, technically hindi naman kami ghost busters, pero spirit hunters. We don’t hunt spirits, we more of send them back to the spirit realm. Kasi parang kami, we want that for the spirits. Kasi lahat ng mga spirits sa movie, lahat sila nakaranas na nang masama kaya sila naging spirits. So ‘yung job namin is to send them back.

“Unlike sa Ghost Busters, ‘yung spirits doon, lahat sila evil na walang chance of coming back to good, lahat sila bad guy. Pero sa movie namin, ‘yung mga spirits may mga good naman,” wika ni JD.

Tampok din sa Jolly Spirit Squad sina Kyle Reyes, Jake Ibay, Tonicci Garcia, at Juliana Rae. Kasama rin dito sina Tonton Gutierrez, Epy Quizon, Manila Mayor Isko Moreno, Lotlot de Leon, Glydel Merca­do, Ynez Venera­cion, Ahwel Paz, Vin Abrenica, Joaquin Manansala, Jovani Manansala, at Uno Santiago.

Introducing dito sina Aneeza Gutier­rez, Naomi Espiritu, Noel Espiritu, at Atty. Bruce Rivera.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top