Saturday , March 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rei Tan, inspirasyon ni Ken Chan
Rei Tan, inspirasyon ni Ken Chan

Rei Tan, inspirasyon ni Ken Chan

PASASA­LAMAT ang gustong ibalik ng Kapuso actor na si Ken Chan sa CEO/President ng Beautederm na si Rei Anicoche Tan dahil kinuha siya nito para maging parte ng pamilya nito.

Post nga nito sa kanyang personal Facebook account, “I would never endorse a product nor brand that I wouldn’t personally believe in myself. Having used the products, tried the different treatments and experienced the numerous beneficial effects, I can stand behind my belief and trust in Beautéderm. “- Ken Steven Chan #Beautéderm

Si Ken nga ang magpapatunay kung gaano ka- effective ang mga produkto ng Beautederm dahil kahit siya mismo ay gumagamit nito at ipinasusubok niya rin sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan at katrabaho.

Inspirasyon nga ni Ken si Tan sa pagiging sobrang bait, sipag, generous  sa mga tauhan at maging sa mga ambassador.

Kasama ni Ken bilang ambassador ng Beautederm sina Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Carlo Aquino, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Arjo Atayde, Enchong Dee, Ejay Falcon, at marami pang iba.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top