Saturday , March 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Non-showbiz, magiging GF ni Alden
Non-showbiz, magiging GF ni Alden

Non-showbiz, magiging GF ni Alden

NON-SHOWBIZ ang magiging girlfriend ni Alden Richards. Ito ang  hula ng isang Feng Shui expert, kaya naman malabong magkadyowa ng artista ang actor.

Pero paano nga bang magkaka-GF ngayon si Alden sa rami ng proyektong gagawin nito bukod sa kanyang seryeng The Gift, isang malaking konsiyerto pa ang gagawin nito ngayong taon na magaganap sa Araneta Coliseum na bahagi ng kanyang 10th anniversary sa showbiz industry.

Kaabang-abang ang concert ni Alden dahil ibang-iba ito sa mga nagawa na niya noon. Tanong nga ng marami, may abs bang mapapanood lalo’t  ilang beses nang nagpasilip ng magandang katawan ang actor sa social media.

Well, ‘yan ang aabangan natin if may sexy production number si Alden.

Isa pa nga sa inaabangan ng mga tagahanga niya ay kung magiging espesyal niyang panauhin sina Maine Mendoza at Julie Ann San Jose o maging ang mga close friend nitong sina Kristoffer Martin, Bea Binene, Diane Media, at Rodjun Cruz.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top