Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte inimbita ni Trump sa US Asean Summit
Duterte inimbita ni Trump sa US Asean Summit

Duterte inimbita ni Trump sa US Asean Summit

INANYAYAHAN ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa US-ASEAN Summit na gaganapin sa Las Vegas sa 14 Marso 2020.

Sa kalatas na inilabas ng Palasyo kahapon, nakasaad na bukod kay Pangulong Duterte, inim­bi­tahan rin ni Trump ang siyam na leaders ng mga bansang bumubuo sa ASEAN.

Unang inihayag ang paanyaya ni Trump noong ASEAN Summit and Related Summits sa Bangkok noong Nobyem­bre 2019 at inulit noong 09 Enero 2020.

Sa isang text message sa media, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang pasya si Pangulong Duterte kung tatang­gapin ang imbitasyon ni Trump.

Matatandaan kama­­kailan ay kasama sa ipinasang US national budget ang probisyon na ban sa Amerika ang lahat ng opisyal ng admini­strasyong Dute­rte na may partisipasyon sa pagpa­pa­kulong kay Sen. Leila de Lima.

Ilang beses na rin sinabi ni Pangulong Duter­te na hindi siya pu­pun­ta sa Amerika habang nakaluklok sa Mala­cañang.

(Rose NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top