Monday , February 17 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alex Gonzaga magiging First Lady na ni Lipa Councilor Mikee Morada (Engaged na kasi)
Alex Gonzaga magiging First Lady na ni Lipa Councilor Mikee Morada (Engaged na kasi)

Alex Gonzaga magiging First Lady na ni Lipa Councilor Mikee Morada (Engaged na kasi)

DALAWANG masasayang araw ang ipinag­diwang ni Alex Gonzaga, una ang birthday niya at ikalawa, nang mag-propose sa kanya ng long­time boyfriend politician businessman na si Mikee Morada na nangyari sa Japan.

At dahil engaged na, si Alex na ang future first lady ni Mikee na no.1 councilor sa Lipa, Batangas. Yes ngayon pa lang ay nakasuporta na si Alex sa pamamahagi ng relief goods ng fiancee para sa constituents na nabiktima ng pagsabog ng bulkang Taal at kinaaliwan siya sa kanyang mga patawang hirit. O di ba, nakatulong na ay napagaan pa ni Alex ang loob ng mga tao roon. Kaya sa mga basher ng actress/comedianne/host, mag-research muna kayo bago siya husgahan na hindi tumulong sa mga residente sa Lipa.

By the way tuloy-tuloy ang selebrasyon ng kaarawan ni Alex, at nasa Singapore sila ni Mikee kasama ang mga magulang na sina Mommy Pinty, Daddy Carlito at  ang birthday sister din na si Toni Gonzaga at anak na si Seve.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top