Monday , March 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, ipinadala ng Bulakeños
Tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, ipinadala ng Bulakeños

Tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, ipinadala ng Bulakeños

PERSONAL na dinala ni Governor Daniel Fernando kasama si P/Col. Emma Libunao, police provincial director ang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas.

Nagkaloob ng tulong-pinansiyal ang gobernador na nagkakahalaga ng isang P1 milyon at 500 packs ng relief goods sa mga Bata­ngueño na tinanggap ng kanilang punong panlala­wigan na si Governor Her­milando Mandanas.

Ipinakikita nito na ang mga Bulakeño sa pangu­nguna ng kanilang People’s Governor Daniel Fernando ay laging bukas-palad at may malasakit sa pagtulong sa kapuwa sa mga sandali ng kalamidad.

Aniya, “Learn to light a candle in the darkest moments of someone’s life. Be the light that helps others see; it is what gives life its deepest significance.”

(MICKA BAUTISTA)

 

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top