Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Serye ni Alden, ‘di na nakaangat; Inilampaso ng Lizquen matapos ni Juday
Serye ni Alden, ‘di na nakaangat; Inilampaso ng Lizquen matapos ni Juday

Serye ni Alden, ‘di na nakaangat; Inilampaso ng Lizquen matapos ni Juday

KAWAWA naman ang serye ni Alden Richards. Noong nakaraang linggo lamang ay sinasabing inilampaso iyon sa ratings ng pagtatapos ng nakalaban niyang teleserye ni Judy Ann Santos. Ngayon naman sinasabing inilalampaso iyon sa ratings ng teleserye ng LizQuen.

Ano pa nga ba ang magagawa nila para hindi naman magmukhang kawawa si Alden sa pagtatapos ng kanyang serye? Ini-extend pa raw iyon ng isang buwan, hindi pa kasi tapos talaga ang ipapalit doon. Isa pa, gusto nilang mapa-angat nang kaunti pa ang ratings ng show bago iyon tapusin. Pero mukhang wala na ngang pag-asa.

Ang tinatanong nila, bakit bagsak ang kanyang serye samantalang sinasabing box office record holder sa ngayon ang pelikulang ginawa niya kasama si Kathryn Bernardo? Ibig bang sabihin talagang sabit lang doon si Alden?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top