Monday , April 6 2020
Breaking News
You are here: Home / News / RDC Bilibid sorpresang ginalugad ni Bantag
RDC Bilibid sorpresang ginalugad ni Bantag

RDC Bilibid sorpresang ginalugad ni Bantag

NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Correction (BuCor) ang iba’t ibang uri ng kontrabando kabilang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu matapos magsa­gawa ng Oplan Galugad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon ng madaling araw.

Nagsagawa ng sorpre­sang operasyon sa pangu­nguna ni BuCor Director General Gerald Bantag sa loob ng Reception and Diagnostic Center ng NBP dakong 5:00 am.

Sa isinagawang paggalugad, nakasamsam ng P80,000 cash, isang cellphone, baraha, USB/cable wire, improvised deadly weapons, at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Bantag, nakuha nila ang nasabing droga sa isang kahon ng posporo sa loob ng RDC.

Paliwanag ni Bantag, may nakalulusot pang kontranbando sa loob gayong mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga pumapasok at lumala­bas na dalaw o mga kawani ng BuCor.

Aniya, kanyang paiim­bestigahan kung kanino ang mga nakuhang kontrabando sa naturang lugar.

Nakatakdang i-turnover sa tanggapan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang nakuhang hinihinalang shabu para isailalim sa laboratory test.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top