Thursday , February 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pamilya Muhlach, proud sa tagumpay ni Aga
Pamilya Muhlach, proud sa tagumpay ni Aga

Pamilya Muhlach, proud sa tagumpay ni Aga

SINABI ni Alex Muhlach na tiyak na matutuwa ang yumaong ama ni Aga Muhlach, si Cheng sa naging resulta ng pelikula ni Aga, ang Miracle in Cell No. 7 na nanguna sa katatapos na Metro Manila Film Festival.

Hindi rin kasi akalain ng pamilya Muhlach na magiging box office ang actor at nalaglag at natalo si Vice Ganda na kung ilang taon nang namamayani ang pangunguna sa box office.

Mabait na anak si Aga kaya marahil sinuwerte ngayon sa muling pagbabalik-pelikula.

Ugaling Pinoy, taglay ni Apl de Ap kaya nain-lab si KC

MAY mga hindi makapaniwalang mai-inlab si KC Concepcion kay Apl de Ap.

Marami-rami na rin kasing naging boyfriend si KC at nakabibigla ang pagkakaugnay niya sa Filipino-international rapper.

Marahil ay taglay ni Apl de Ap ang ugaling Pinoy kaya na-in-love ang dalaga ni Sharon Cuneta.

Half-Filipino si Apl de Ap na sikat sa buong mundo na bukod sa anyong barako super milyonaryo pa.

Maine, mahal na mahal si Arjo

SUPER in-love si Maine Mendoza kay Arjo Atayde. Halatang-halata ito sa kilos niya at hindi na isinisikreto. Hayagan na ang kanilang relasyon na hanggang social media ay kitang-kita ang kung saan-saan na sila namasyal na magkasama.

Ang ikinatatakot lang ng fans ay baka may mangyaring personal sa pag-iibigan nila at maapektuhan ang kanilang trabaho.

Well, para namang walang problema dahil nagmamahalan naman ang dalawa. Ibang klase talagang umibig ang isang Bulakenya.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top