Friday , April 19 2024

Sa unang anim na buwan ng termino… VM Lacuna pinasalamatan ni Yorme Isko

LUBOS ang pagbibigay-pugay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Bise-Alkalde na si Honey Lacuna-Pangan at sa lahat ng tumulong sa kanya sa konseho  at sa pamahalaang lungsod na naging daan sa tagumpay at patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng Manileño, sa unang anim na buwan ng panunungkulan bilang punong ehekutibo at ama ng lungsod. 

Ayon kay Mayor Isko, malaking tulong ang pagiging timon ni Lacuna sa Konseho ng Maynila, gayondin ang pakiki­pagtulungan nina majority leader Joel Chua at  3rd district councilor Letlet Zarcal, na nagbigay daan kaya’t naipasa ang 30 ordinansa at 167 reso­lusyon na ang layunin ay para sa kapakanan ng Manileño at mapabuti ang kalagayan ng May­nila.

Sinabi ni Mayor Isko na malaking tulong ang konseho  sa implemen­tasyon ng kanyang ha­nga­rin na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga maralita sa lungsod sa  pamamagitan ng social amelioration programs ng lungsod.

Sinabi ni VM Lacuna na mananatili ang kan­yang suporta kay Mayor Isko dahil mabuting intensiyon ang kapwa nila hangad sa lungsod at sa Manileño.

Matatandaan, sa nakali­pas na anim na buwan ay napagta­gum­payan at nailatag  ang iba’t ibang programa na nagbenepisyo sa senior citizens, persons with disability (PWD), mag-aaral at mga maralita sa komunidad na prayo­ridad sa programa ni Isko.

Kapansin-pansin rin ng malaking pagbabago sa lungsod patungkol sa pagpapanatili ng kaayu­san at kalinisan dahil sa walang-kapagurang inspeksiyon at pag-iikot mismo ni Moreno sa bawat sulok ng lungsod.

Maayos na naisa­katuparan ni Mayor Isko ang proyektong naglala­yong maibalik sa kinang ang ilang makasay­sa­yang lugar sa lungsod at maiayos ang dating kalagayan ng national heritage sites sa lungsod na madalas binabanggit ng alaklde, dahil sa tulong nina city engineer Armand Andres at department of public services chief Kenneth Amurao.

Bunsod nito, malaki ang pag-asa ni Isko na magkakaroon ng pani­bagong budget ang lungsod ngayong taon para mailaan sa mas marami pang proyekto tungo sa ikabubuti ng siyudad.

Nabatid, ang bawat departamento, tangga­pan at kawanihan ay inata­san ni  Mayor Isko na magsumite ng estado ng kanilang ng mga ga­wain upang mapanatili ang transparency sa ilalim ng kanyang lidera­to.

Nais ni Isko na mas mapabuti ng kanyang pamunuan ang pagser­bisyo para sa tunay na kapakinabangan at kapa­kanan ng kapwa Manileño.

ni BRIAN BILASANO

About Brian Bilasano

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *