Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rochelle idol si Ms. Rhea Tan, thankful sa suporta ng Beautederm family
Rochelle idol si Ms. Rhea Tan, thankful sa suporta ng Beautederm family

Rochelle idol si Ms. Rhea Tan, thankful sa suporta ng Beautederm family

MASUWERTE sina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens dahil ang second store nilang Skinfrolic by Beautederm ang 100th store ng Beautederm kaya ito ang komompleto sa Road to 100 stores na target ni Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan para sa taong 2019. Nagkaroon ito ng ribbon cutting at soft opening last month at very soon ang grand opening nito.

Ang bagong Beautederm store ng husband and wife tandem ay matatagpuan sa 3rd floor ng Ayala Malls Manila Bay, samantala ang unang store nila ay located sa 63 President Ave., BF Homes, 1718 Parañaque City.

Dito’y naging emosyonal at napaiyak si Rochelle, kaya inusia namin kung bakit siya naging emosyonal? “Kasi alam ni BFF ‘yung pinagdaanan at pinagdaraanan ko. Actually, hindi nga namin alam noon kung matutuloy pa ‘yung Ayala Mall dahil nga may unexpected na nangyari sa amin nang na-confine si Jimwell. So, parang hindi namin alam kung igo-go pa ba namin? Pero sinabi talaga ni BFF, ‘Hindi, go natin iyan. This one talaga para ito kay Pare.’ Gusto niya this time for Jimwell,” pahayag ni Rochelle.

Saad ng aktres, “Actually noong nalaman ko na Beautederm’s 100th store ito, talagang super-saya tapos sinabi pa sa amin ni Miss CEO na, ‘O this time, ribbon cutting muna tayo, then next year na ‘yung grand opening.’ So, looking foward talaga ako sa grand opening namin na may pa-mall show, marami talagang nag-aabang. I’m very happy, kasi itong lugar namin ngayon, ‘yung Ayala Malls, ito ‘yung distrito ko noong nag-run ako ng konsehal. So hoping talaga na dahil ‘yung iba, nahihirapan sila pumunta roon sa isang branch. At least ngayon, nake-cater namin ‘yung both district 1 at district 2.”

Ayon naman kay Jimwell, “Well, ayun din… Kasi talagang alam mo si Mare (Rhea) kasi sobrang support niya sa amin, sobra-sobra… Parang sabi ko nga, wala akong tamang words para sabihin kung ano man ‘yung katum­bas ng ginawa niya para sa amin. Kasi, talagang- kum­baga sobrang bait talaga niya hindi lang na­man sa amin, talagang so­brang bait niyang tao sa lahat.”

Nagbigay din ng mensahe si Rochelle para sa lady boss ng Beautederm. “Basta sobrang mahal na mahal ko siya (Ms. Rhea). Kahit ako ‘yung mas matanda at sabi nga niya mas malaki sa kanya, mas marami akong natututuhan sa kanya sa maraming bagay. Siya talaga ang iniidolo ko. Sabi ko nga, without her wala naman talagang Skinfrolic. Lahat iyon talagang ipinagpapasalamat ko sa kanya.”

Nagpasalamat din si Rochelle sa suporta ng Beautederm family. “Ito ‘yung masarap sa Beautederm family, e. Kumbaga ‘pag may magbubukas na ambassador, full support talaga. Kahit gaano na katagal ‘yung pagiging magkaibigan namin way way back, iba ‘yung ngayon, talagang malalim. At saka alam mo ‘yun, ‘yung kahit sila Ken, tapos ‘yung mga taga-ABS talagang ‘pag nagkakasama kami especially noong birthday ni BFF (Ms. Rhea), talagang ang sarap ng pakiramdam dahil walang ka ere-ere ‘yung mga stars ng Dos and Seven at talagang united kami. ‘Yun na nga, walang network war pagdating sa Beautederm.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top