Tuesday , February 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Martin del Rosario, wagi sa Asian Television Awards
Martin del Rosario, wagi sa Asian Television Awards

Martin del Rosario, wagi sa Asian Television Awards

ITINANGHAL na Best Leading Male Performance (Digital) ang Kapuso actor na si Martin del Rosario sa katatapos na 24th Asian Television Awards. Ginanap ang Asian TV Awards 2020 noong Sabado ng gabi sa Newport Theater sa Resorts World Manila.

Kinilala ang galing ni Martin sa kanyang pagkakaganap sa pelikulang  Born Beautiful ng IdeaFirst Company.

Sa pamamagitan ng Instagram, idinaan ni Martin ang pasasalamat. Aniya, ”Truly honored to receive the Best Leading Male Performance award from the Asian Television Awards – Digital.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataong idinaos sa Pilipinas ang Asian TV Awards mula noong itatag ito noong 1996.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top