Wednesday , July 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Presyo ng gamot dapat tutukan ni Pangulong Digong
Presyo ng gamot dapat tutukan ni Pangulong Digong

Presyo ng gamot dapat tutukan ni Pangulong Digong

DAPAT talagang tutukan ng pangulo ang mga kompanyang gumagawa o distributor ng  gamot na balansehin ang  kita at malasakit sa mga Filipino.

Sabi nga ni Chairman ng Senate Committee on Health, Senator Bong Go, 2008 pa ang Cheaper Medicine Act kaya nakakapagtakang kailangan pang hintayin na makailang palit ng pangulo bago ito ipatupad nang  tuluyan.

Pabor umano si Pangulong  Rodrigo Duterte sa isinumiteng  draft EO on maximum retail price ng 122 gamot ng Department of Health.

Ani Go, maraming nangangailangan ng  gamot kaya naman kahit mataas ang presyo ay no choice ang mga tao kundi ang bumili dahil gusto nilang mabuhay.

Totoo namang kailangang kumita ng mga kompanya ng gamot pero dapat balanse at isipin din ang kapakanan ng mga mamamayan lalo ang mahihirap na may sakit.

Deserving ang mga Filipino sa murang gamot pero dahil mas mura ang gamot sa ibang mga bansa, mas pinipili ng  ilan ang mag­pa­gamot sa ibang  bansa para makatipid.

Kaya kung maisusulong ang EO on maximum retail price ng 122 gamot ng Depart­ment of Health, malaking bagay sa mahihirap na Filipino ‘yan.

At sana isunod din riyan ang iba’t ibang laboratory na kailangan ng mga maysakit para sa wastong diagnosis.

Puwede po ba, Pangulong Digong?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top