Tuesday , February 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza, sure na kay Enrique; mapapa-Yes sakaling mag-propose
Liza, sure na kay Enrique; mapapa-Yes sakaling mag-propose

Liza, sure na kay Enrique; mapapa-Yes sakaling mag-propose

TAONG 2018 pa ang huling teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang Bagani kaya naman pinanabikan ang pagbabalik-telebisyon ng dalawa na simula ngayong gabi, matutunghayan ang Make It With You sa ABS-CBN 2.

Pag-ibig ang magniningning sa inaabangang tambalan ng LizQuen na sabay makikipagsapalaran para mahanap sa puso nilang piliin ang magmahal sa Make It With You.

“We always say this pero of course, expect a new LizQuen kasi each time, we tried to be better and better on our craft. And all we want is just for our audience to be happy and satisfied with the show. And siyempre gusto namin na makapulot din sila ng magandang aral din. That’s what we’re looking forward to and sana makita ng audience iyon,” ani Liza matapos ang Make It With You presscon.

Nilinaw naman nilang hindi sila napipikon sa biro ni dating mayor Herbert Bautista na magnininong sa kasal nila.

“Hindi naman, parang nape-pressure lang ako, ha ha ha joke,” natatawang sabi ni Enriquez.

“Bakit naman po mapipikon, I think it’s cute,” tugon naman ni Liza na aminadong minsa’y napag-uusapan nila kung kailan at saan sila magpapakasal.

Sa tanong na kung kailan (kasal), “Iyon po ang hindi pa namin masasagot pa. You can never tell what will happen in the next few years. Malay mo mapabilis, mapatagal because of our careers. Or things that what we want to focus on. Hindi talaga and mararamdaman naman iyon when the times right,” esplika ni Liza.

So ramdam na nilang sila na hanggang sa altar? “Yes po, I really belive so, hundred percent in my heart, yes!” sambit ni Enrique.

“I’m happy of course because he makes me feel secure and he’s always assure me and I think ‘yun naman ang hinahanap ng kahit sinong babae na in a relationship,” sagot ni Liza sa tinuran ni Enrique.

At kung sakaling mag-propose si Enrique, “Hindi ako magdadalawang-isip,” agad na sagot ni Liza.

“‘Yung kung ready, siyempre you can never say that you’re fully ready or prepared for that big question. Pero no doubt I will say yes,” dagdag pa ng magandang aktres.

Bago ito’y nabanggit ni Liza na 17 years old pa lang sila naging mag-on ni Enrique at ipinaglaban niya ang binata sa kanyang ama.

“Kasi I wouldn’t say na ganoon ba katindi ang love kasi bago pa lang ang relationship. Pero I guess I saw something in him, parang I felt his sincerity and parang kasi when you get into a realationship, you’re not getting into a relationship just for the sake of having a boyfriend or girlfriend.

“We all have our hopes and dreams, na ‘yung first relationship will be your last.

“So of course, ipinaglaban ko kasi it’s true I was happy being around him. He makes me feel comfortable, so I think it was only right na ipaglaban ko,” giit ni Liza.

“And true enough after then, hanggang ngayon kami pa rin,” singit naman ni Enrique.

“And he’s so close to my father and my whole family,” susog pa ni Liza na gagampanan ang papel ni Billy, ang raketerang gagawin ang lahat upang kumita at makapagpadala ng salapi sa pamilya. Isa sa kanyang mga raket ang pagsakay sa kultura ng matchmaking sa Croatia para makalibre sa pagkain at makapag-uwi ng mga regalo galing sa mga nakaka-date na kanya ring ibinebenta.

Limang taon na ang relasyon ng Lizquen kaya naman natanong sila kung ano ang sikreto ng pagtatagal ng kanilang relasyon.

“I don’t know, parang until now I’m still thinking kung ano nga ba? I don’t think you can ever say kung ano ng aba ang definite, I think there’s something in God’s grace and the universe…” ani Enrique na si Gabo sa Make It With You, ang binatang mapapadpad sa Croatia sa kagustuhang mahanap ang sarili. Sa kabila ng hirap, papasukin niya ang iba’t ibang trabaho para mabuhay at para hindi bumalik ng Pilipinas.

“I think, it’s mutual respect,” agad namang sambit ni Liza.

“Yes mutual respect is part of it pero…,” giit ni Enrique.

“It’s beyond that, we can’t explain…,” sabi pa ni Liza.

Kasama rin sa Make It With You sina Ian Veneracion, Katya Santos, Fumiya Sankai, Eddie Gutierrez, Pokwang, Vangie Labalan, at Herbert, gayundin ang mga bagong bituing sina Jeremiah Lisbo, Anthony Jennings, at Daniela Stranner. Ito ay idinirehe nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano at mula sa panulat ni Mark Angos.

Tutukan ang pagsisimula ng Make It With You mamayang gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top