Saturday , March 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Seryeng Make It With You nina Liza at Enrique, marami na ang nag-aabang
Seryeng Make It With You nina Liza at Enrique, marami na ang nag-aabang

Seryeng Make It With You nina Liza at Enrique, marami na ang nag-aabang

MARAMI na ang excited sa bagong Kapamilya primetime series na Make It With You na tinatampukan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Nang i-upload kasi sa social media ang naturang teleserye noong Disyembre ay naka-1.1 million views agad ito sa loob ng 12 hours pa lang. At nang nakaisang araw na, dumoble na ito sa 2.2 million views.

Ito ang pinakamalaki at naiibang serye ng LizQuen. Doble ang kilig na masasaksihan sa dalawang bituin.

Nagkuwento sila ng role sa seryeng ito.

Ani Liza, “I play Billie Dimagiba, she is a free spirit. She’s very street smart and family oriented. So, all of her decisions, she always has her family at the back of her mind. And she’s really struggling and working hard to get them ‘yung buhay na feeling niya na dapat mayroon sila. I work in Croatia parang due to a series of unfortunate events, I end up in Croatia, I make the best out of it. So I start working there and then one day, I stumbled upon Gabo (Enrique).”

Dagdag ng magandang aktres sa karakter niya rito, “She’s a raketera, marami siyang iba-ibang work. Kasi in Croatia, their peek season is summer and I guess spring, and that’s when they have most work, kasi maraming turista.

“Pero tuwing winter time, wala na talagang turista so work is really hard to find. So si Billie, hindi siya… wala siyang stable work. She does a lot of things on the side just to get by and to be able to send money to her family and marami siyang mga ginagawa na feeling niya nakatutulong siya, pero medyo mali ang mga decisions niya minsan.”

Kuwento naman ni Enrique, “I play as Gabo. Gabo starts… somewhat para siyang a lost boy, parang ganoon. He finds himself in Europe, he doesn’t know why. But maybe it might show him something he’s looking for. He’s not really sure, he’s searching for freedom. Somewhat he’s escaping something in the Philippines.

“Ganoon lang si Gabo basically sa ngayon, and then he stumbles upon a very beautiful Angel, si Billie (Liza) sa Croatia,” pahayag ng aktor.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top