Tuesday , November 4 2025

Dagdag presyo hiling ng manufacturers

HUMIHILING ng dagdag na presyo ang mga manu­facturers ng mga pro­duktong de-lata tulad ng canned meat, sardinas, gatas, sabon panlaba at pampaligo, at iba pang basic commodities sa Department of Trade and Industry (DTI), dahil sa tumaas na presyo ng kanilang mga ginagamit na imported raw material sa pagawa ng kanilang mga produkto.

Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, P0.50 sentimos hanggang P2.00 piso ang hirit ng mga basic at prime commodities manufacturers sa kagawaran.

“Ganoon talaga, kasi impor­ted ang gamit ni­lang raw materials, specially sa food at hindi nila mapi­pigilan ang mag­taas ng kanilang presyo,” ani Castelo.

Pinag-aaralan ng ahensiya ang nasabing panu­kala ng food manu­facturers dahil may mga produktong hindi justified na magtaas at may justified.

Inilinaw ni Castelo, patuloy nilang pinag-aaralan ang hinihiling na dagdag presyo at wala pa silang inaaprobahang pagtaas sa nabanggit na mga produkto, pero posibleng sa sususnod na buwan ay tuluyan na itong magtataas ng kanilang presyo. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …