Wednesday , November 5 2025

P1.8-B sa OFWs’ repatriation handa na — DoF

MAY nakahandang P1.8 bilyon para sa repatria­tion program ng gobyerno sa mga Filipino sa Iran at Iraq, ayon sa Department of Finance.

Sinabi ni Finance assistant secretary Rolan­do Toledo sa press briefing sa Palasyo na handa na ang kabuuang P1.8  bilyon standby funds anomang oras na gamitin ng gobyerno para sa ikinakasang evacua­tion at repatriation sa mga naiipit na Filipino ngayon sa girian ng Amerika at Iran.

Sakali aniyang hindi sumapat ang pondo, may­roon pa aniyang contingency fund na nagkakahalaga ng P13 bilyon na kailangang aprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para magamit.

Naghahanap din aniya ang DOF ng iba pang sources na puwe­deng pagmulan ng karag­dagang pondo upang magamit sa repatriation program.

Kaugnay nito, iniha­yag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magtutungo ngayon si Overseas Workers Welafre Administration (OWWA) Hans Cacdac sa Saudi Arabia at Kuwait, si Labor Under­secretary Bernard Olalia sa Lebanon at si Labor Undersecretary Claro Arellano sa United Arab Emirates upang plan­tsahin ang mga prepara­syon sa paglikas ng mga migranteng Pinoy kapag tumindi ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Itinatag aniya ang rapid response team kasa­bay nang deklarasyon ng alert level 4 o mandatory repatriation sa Iraq.

Aniya, nakikipag-usap na ang pamahalaan sa China, Russia, Canada, Germany, at Japan upang maging alternatibong destinasyon ng may dalawang milyong manggagawang Pinoy na mawawalan ng trabaho dulot ng girian ng US at Iran. (R. NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …