Saturday , April 27 2024

Krisis sa Iraq itinaas ng DFA sa alert level 4

NASA crisis alert level 4 para sa mga Pinoy ang Iraq dahil sa matinding tensiyon matapos pas­langin si Iranian general Qasem Soleimani, ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa drone strike ng bansang America nitong nakaraang linggo.

Sa ngayon ay nasa alert level 4 ang pinaka­mataas na travel advisories na inilabas ng DFA.

“Inatasan na po ng Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ng Filipinas, kasama na po ang Embahada sa Iraq para ilikas ang mga Filipino dito sa bansa,” ayon kay Philippine Chargè d’ Affairès Jomar Sadie  na ini-post sa kanyang official Facebook account.

“Ang marching order sa amin ay mandatory repatriation,” dagdag ng DFA official.

Ang deklarasyon ng DFA ay matapos magpakawala ng rockets ang Iran sa Iraq Al Assad Airbase na pinangunahan ng America.

Iginiit ni Sadie sa Pinoy workers sa Iraq na kailangan aniyang maki­pag-ugnayan sa embaha­da para sa repatriation at iba pang kailangan ng tulong.

Aniya, ang exit visa at ticket ay sisiguruhin ng mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa kanilang mga employer, at kailanganng lagi nilang hawak ang kanilang pasaporte.

“Kung wala kayong employer at biktima ng human trafficking, tumawag po kayo sa amin para matulungan namin kayo o pumunta directly sa embassy,” panawagan ni Sadie.

Sakaling hindi puma­yag ang employer ng Pinoy worker na umuwi sa Filipinas kailangang humingi agad ng tulong sa embahada.

“Kapag gusto ni­nyong umuwi at ayaw kayong pauwiin ng employer at hindi ninyo siya mapakiusapang mabuti, tawagan po ninyo kami at kami ang kakausap sa employer ninyo. Bago ninyo kami tawagan, kunin po ninyo ang number sa kaniya, mayroon naman po kaming translators dito,” pahayag ni Sadie.

Maaaring tumawag sa mga numero ng Philippine Embassy at 07816066822 (Jom); 07516167838 (Jerome); 07518764665 (Jobbi); at 07508105240 (Richard).

Bukod dito, maaari rin makipag-ugnayan sa mga opisyal ng embaha­da sa pamamagitan ng [email protected], embaphilbaghdad.­[email protected] at official Facebook page.

Nanawagan din ang DFA sa mga Pinoy worker sa Saudi Arabia na maging alerto at laging makipag-ugnayan para sa kailangang tulong mula sa Philippine envoys dahil sa matinding tension sa Middle East.

Maaari aniyang maki­pag-ugnayan ang lahat ng Pinoy na nasa Saudi Arabia para sa kinakai­langang assistance sa  pamamagitan ng mga numerong ito landline number – 011-480-1918, hotline number 056 989 3301. (JAJA GARCIA)

 

About Jaja Garcia

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *