Sunday , April 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Turn-off sa ex, Sawyer brothers ipinagmamalaki ni Dovie San Andres
Turn-off sa ex, Sawyer brothers ipinagmamalaki ni Dovie San Andres

Turn-off sa ex, Sawyer brothers ipinagmamalaki ni Dovie San Andres

Dumaranas man ngayon ng matinding depression ay bumabangon ang controversial social media personality na si Dovie San Andres dahil kung tuluyan siyang magpapaapekto sa hindi magandang experience o panloloko ng lalaking sinuportahan niya finan­cially at emotionally ay siya lang ang talo.

Saka maraming nagma­mahal kay Dovie, nariyan ang kanyang tatlong anak na lalaki at amang inaala­gaan at ang idolong Sawyer Brothers na si Kervin, na hindi kompleto ang araw kapag hindi napapakinggan ang latest single ng magkapatid na Kervin at Kenneth na “Ghosting.”

Mas pagtutuunan ng pansin ngayon ni Dovie ang pagsuporta sa career ng Sawyer Brothers gaya ng airplay ng song nito at pag-uwi niya ng bansa ay balak niyang ipag-produce ng concert na kasama siya at ang anak na si Elrey Binoe na matagal nang gustong mag-artista.

Hanga si Dovie sa Sawyer Brothers hindi lang sa husay kumanta kundi ang pagmamahal nito sa kanilang mga magulang. “Kaysa ubusin ko ‘yung pera ko at panahon sa lalaking nagpanggap na siya raw ang ipinadala sa akin ni Khristian Michael (Villanueva) para magpasaya sa akin na puro kasinungalingan lang pala ang lahat. Mas mahalin ko na lang ang sarili ko, mga anak ko at tulungan ang Sawyer Brothers para lalo pa silang makilala ng publiko,” pahayag ni Dovie na muhing-muhi sa pekeng guy na nakilala sa social media.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top