Monday , February 17 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kontrobersiyal na aktres, pinalitan na ni bigating ka-live-in
Kontrobersiyal na aktres, pinalitan na ni bigating ka-live-in

Kontrobersiyal na aktres, pinalitan na ni bigating ka-live-in

SAAN kaya pupulutin ang kontrobersiyal na aktres na ito ngayong putok na putok na ang tsikang may bagong babaeng ipinalit sa kanya ang kanyang bigating live-in partner?

Umano, isang socialite na mas matanda nga lang sa aktres ang bagong labs ng kanyang kinakasama sa buhay.

Hindi tuloy maiwasang isipin na posibleng napuno na ang dyowa ng aktres sa rami ng mga eskandalong kinasangkutan nito.

Okey lang sana kung mga simpleng usapin lang ‘yon, kaso ay puro kahihiyan lang ang idinudulot ng aktres.

Malamang daw na mag-isang mamumuhay ang aktres kapag tuluyan na siyang layasan ng dyowa niyang richie-richie. Da who ang aktres na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Grace Barbarella.

 (Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top