Monday , February 17 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Judy Ann Santos, masaya at nakagawa ng teleseryeng “Starla” na naka-inspire sa mga manonood
Judy Ann Santos, masaya at nakagawa ng teleseryeng “Starla” na naka-inspire sa mga manonood

Judy Ann Santos, masaya at nakagawa ng teleseryeng “Starla” na naka-inspire sa mga manonood

SIMULA sa kanilang pilot episode noong October 7 at hanggang ngayon ay consistent sa mataas na ratings ang “Starla” ni Judy Ann Santos, na marami ang pumupuri sa mas mahusay na pagganap ng actress bilang bida contravida na si Atty Teresa.

Kaya sa kanilang thanksgiving at finale presscon ay masayang nagpasalamat si Judy Ann sa praises sa kanya ng mga invited na entertainment press and bloggers.

Ayon sa Kapamilya actress, feeling fulfilled siya at nakagawa sila ng ganitong klase ng teleserye na naka-inspire sa kanilang manonood. At kung siya ang tatanungin, ayaw pa raw niyang magtapos ang Starla dahil marami pang puwedeng gawin pero nang ilatag raw ito sa kanya ay intended lang talaga ito for one season.

Nagpasalamat pala si Juday sa kanyang mga co-star na dinamayan siya sa noong time na nabagok ang ulo ni Luna, na anak nila ni Ryan Agoncillo. Isa pang magandang sinabi ni Juday sa presson ay ‘yung importante sa kanya ay forgivenesss dahil kapag marunong kang magpatawad, kasunod nito ay good vibes, blessings at good health.

At kung gagawa pa ba siya ng teleserye, oo naman daw pero matatagalan pa dahil may dalawa siyang movies na natanguan this year na nakatakda na niyang gawin.

Samantala, mananaig kaya ang daing ng kabutihan, o tuluyan na itong matatabunan ng kasakiman sa “Starla?”

Sundan ang mga huling tagpo ng laban para sa pag-asa, kapatawaran, at pagmamahal sa pamilya sa pagtupad ng mga kahilingan.

Haharap sa panibagong pagsubok sina Teresa (Judy Ann Santos), Mang Greggy (Joel Torre), at Buboy (Enzo Pelojero) dahil napasakamay na ni Dexter (Joem Bascon) si Starla (Jana Agoncillo) matapos nitong makompirma na ang baby wishing star ang nasa likod ng mga misteryoso at hindi-maipaliwanag na milagro sa Baryo Maulap at ang dahilan kung bakit hindi maituloy-tuloy ni Dexter ang masasamang plano niya.

Dahil desperadong mapilit si Starla na tuparin ang kanyang gusto, kasado na ang balak ni Dexter na ilagay sa kapa­hamahamakan ang buhay nina Buboy at Mang Greggy. Dahil lima na lang ang natitira mula sa 50 hiling na dapat niyang tuparin, mag-aalala ang wishing star para sa kapanan ng kanyang sarili, ng kinikilala niyang pamilya sa lupa, at ng buong Baryo Maulap.

Samantala, matapos pagsisihan ni Teresa ang mga kasalanan niya at patawarin ang kanyang ama, nakahan­da nang aminin ng abogado ang mga kasamaang naging dulot ng paghihiganti niya laban sa mga taga-Barrio Maulap.

Ngunit mapapatawad kaya siya ng mga kababaryo niya o tuluyan nilang itatakwil ang abogada? Magkakaroon pa kaya siya ng pagkakataon na itama ang mga nagawang mali?

Sa kabila ng nagbabadyang lagim na ihahasik ni Dexter, mailigtas pa kaya ni Starla sina Buboy at Mang Greggy? Matuloy pa rin kaya ang pagiging full-fledged wishing star niya?

Ang “Starla” ay isinulat ni Dindo Perez at idinirek nina Onat Diaz, Darnel Villaflor, at Jerome Pobocan. Binigyan nito ng liwanag ang mga gabi ng mga manonood sa paghahatid ng good vibes sa primetime at nagturo ng magagandang aral sa mga bata at buong pamilya.

Sa pagsisimula ng 2020, ipinaaalala rin nito at hinahangad na baunin ng mga manonood ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, pagma­mahal, pagpapatawad, pag-asa, at pamilya. Tunghayan ang mga huling gabi ng “Starla” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top