Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bakit nga ba click ang Angrydobo nina Juday at Ryan?
Bakit nga ba click ang Angrydobo nina Juday at Ryan?

Bakit nga ba click ang Angrydobo nina Juday at Ryan?

ISANG malaking tagumpay ang Angrydobo restaurant ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo sa Taft Avenue sa Manila (sa harap ng De La Salle University). At bilang “the man behind” Angrydobo, ano ang masasabi ni Ryan sa malakas at magandang takbo ng kanilang negosyo?

“Ako happy lang ako na happy si Juday, kasi iba ang energy niya sa kitchen eh,” umpisang pahayag ni Ryan.

Si Judy Ann ang nagsisilbing hands-on chef sa Angrydobo.

“Ako, of course, you know, the people behind the business naman really is  my brother and my sister-in-law, so they’re the ones really running the show and me, I’m just happy that Judy Ann is blossoming as a chef.”

Partners nina Ryan at Judy Ann sa restaurant sina Dondee Agoncillo (kapatid ni Ryan) at misis ni Dondee na si Maloo.

Inaasahan ba ni Ryan na magki-klik ang Angrydobo? Na mula noong magbukas ng May 2019 hanggang sa kasalukuyan ay pumipila ang mga customer na gustong tikman ang adobo ni Judy Ann at iba pang pagkaing nasa menu ng kanilang restaurant.

“We knew that masarap ‘yung Angrydobo. Ang nagulat kami ‘yung lakas ng response!

“Of course that’s very surprising, in a most pleasant manner. But ano eh, akala namin, in-over estimate na namin ‘yung plans namin.

“Meaning halimbawa, noong first day na nag-open kami ang stocks namin, marami, pang-dalawang araw, pero the first day we open, ubos agad!

“Tapos noong mga sumunod na araw, sabi namin, ‘O sige, gawin nating pang-apat na araw, ubos pa rin,” at natawa si Ryan. “So you know, I mean I’m not surprised na nasasarapan ‘yung mga tao sa luto ng asawa ko kasi, confident naman ako roon sa sarap.

“Ang na-surprise ako na natutuwa ako ‘yung dinarayo talaga siya.

“Tapos ilang weeks pa lang kami, 14, 15 weeks may mga loyalist na, tapos marami talagang naghahanap ng opportunity na makadalaw.

“In fact, marami na kaming in-adjust sa systems namin para ma-accommodate talaga ‘yung maraming tao.

“And we recently introduced the take-outs, kasi matagal inaral ‘yung take out eh.

“Para high quality pa rin, and maganda ‘yung response ng tao because, iyon nga, maliit naman kasi ‘yung restaurant namin talaga, we only seat a maximum of 37 people, at a time.

“So parang… hindi ko naman pinagdudahan ‘yung sarap ng luto ng asawa ko, nagulat lang ako sa tindi ng response.”

Nakausap namin si Ryan noong Sabado, September 7, sa Batangas sa shoot ng Judy Ann’s Kitchen na online cooking show ni Judy Ann

Isang lovers’ quarrel nina Ryan at Judy Ann ang dahilan kaya naluto ang Angrydobo na napakasarap na recipe ni Judy Ann ng adobo.

Fourteen years ago, nasa Amerika sina Judy Ann at Ryan at nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Pero dahil nakapangako si Judy Ann na magluto ng adobo para sa kanilang mga kaibigan na nasa US din that time, kahit magkagalit sila ni Ryan ay bumili si Ryan ng ingredients para sa adobo, ibinigay ang mga pinamili kay Judy Ann at walang usap-usap na natulog si Ryan habang nagluluto ang asawa.

The next morning, paggising ni Ryan ay nagluluto pa rin si Judy Ann; naupo si Ryan sa mesa at inihain ang isang bowl ng mainit na kanin na may toppings na adobo, at walang sali-salita ay natulog na si Judy Ann.

At iyon na, “isinilang” na ang napakasarap na Angrydobo!

Ilan sa mga nasa menu ng restaurant ang appetizer na Angrydobo Nachos Fully Loaded at Cheesy Sweet Potato Fries, main course na choices ng Angrydobo Classic, Angrydobo Chicken, Angrydobo Shortribs, at Angrydobo Sardines with Egg. Sa dessert naman ang choices of Dark Chocolate Champsicle at White Chocolate Champsicle ang pagpipilian. Sa drinks ay may Tamarind Iced Tea at Green Mango Shake.

Bagong bukas ang branch ng Angrydobo sa Westgate sa Alabang.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top