Thursday , February 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sa gulo sa Middle East… Presyo ng langis bantayan — Senator Koko Pimentel
Sa gulo sa Middle East… Presyo ng langis bantayan — Senator Koko Pimentel

Sa gulo sa Middle East… Presyo ng langis bantayan — Senator Koko Pimentel

SA nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran, hini­kayat ni Senador Aquilino Pimentel III ang Department of Energy na bantayan ang galaw ng presyo ng langis sa pan­daigdigang pamilihan.

Ayon kay Pimentel, dapat din tutukan ang mga bansa na pinag­kukuhaan ng supply ng langis ng Filipinas sa katuwiran na patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo ay maaaring maapektohan ang ating ekonomiya.

Ani Pimentel, bilang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations dapat ngayon pa lang ay naghahanap na ang DOE ng ibang maaa­ring mapag-angkatan ng langis dahil sa kaganapan sa Gitnang Silangan.

Binigyang diin ng Senador, mas maka­bubuting advance mag-isip para maayos na makapaghanda.

Aniya, maaaring mag-import ng langis ang Filipinas sa Russia at sa ganitong paraan ay mapag­titibay pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Nagsimulang uma­ngat ang presyo ng langis nang mapatay sa US drone attack sa Baghdad International Airport si Iranian General Qasem Soleimani. (C. MARTIN)

About Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top