Thursday , November 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine at James, matibay pa rin
Nadine at James, matibay pa rin

Nadine at James, matibay pa rin

NOON pa ma’y alam na naming hindi totoong hiwalay sina Nadine Lustre at James Reid. Kasama kasi namin ang parents ni Nadine last Christmas at New Year at wala namang naikuwento ang mga ito.

Nasabi lamang na may inaayos ang dalawa pero hindi iyon tungkol sa kanilang relasyon kundi sa kanilang career kaya hindi na kami nagtaka nang sagutin ni Nadine ang naisulat kamakailan ni Ricky Lo ng Philippine Star na hiwalay na nga sila.

Idinaan ni Lustre ang pagsagot kay Lo sa kanyang Instagram at sinabing, “None of what you said was true.”

Iginiit pa ni Lustre na hindi tamang gamitin ang ukol sa mental situation para lamang patunayan ang ibinibintang. Aniya, “That was so low … It is never okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental illness is a very sensitive matter.”

“You think you know so much about me, you can’t even get my last name right. Ano na, 2020 na!,” dagdag pa ng aktres.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top