Saturday , February 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mag-ingat laban sa mga nambabatong kabataan sa dulo ng Las Piñas – Zapote Rd., papasok sa Cavitex
Mag-ingat laban sa mga nambabatong kabataan sa dulo ng Las Piñas – Zapote Rd., papasok sa Cavitex

Mag-ingat laban sa mga nambabatong kabataan sa dulo ng Las Piñas – Zapote Rd., papasok sa Cavitex

Nais po nating bigyan ng babala ang mga motoristang nagdaraan sa Cavitex mula sa Las Piñas – Zapote Road na mag-ingat sa mga kabataang nambabato ng kotse.

Ilang biktima na po ang nagsumbong sa inyong lingkod.

Madalas na lumalabas ang mga kabataang nambabato kapag kumakagat ang dilim.

Para silang mga ‘asuwang’ na hayok makapanakit ng kapwa, lalo ng mga motorista.

Nanawagan rin po tayo sa Las Piñas police na magtalaga ng kanilang mga operatiba o traffic enforcer sa nasabing area para po sa kaligtasan ng mga motorista at commuters.

Paging Las Piñas police chief, Col. Simnar Gran! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top