Thursday , April 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / EA Guzman, ‘di totoong nag-propose na kay Shaira
EA Guzman, ‘di totoong nag-propose na kay Shaira

EA Guzman, ‘di totoong nag-propose na kay Shaira

NILINAW ni Edgar Allan Guzman na hindi totoong nag-propose na siya sa girlfriend niya ng pitong taon nang si Shaira Diaz. Lumabas ang balitang ito pagkatapos mag-post ng actor ng picture nila ng kanyang pamilya kasama ang aktres nang mag-celebrate sila ng Kapaskuhan sa Hong Kong at may caption na, “Finally, we’re complete! d’þ Hong Kong gang >Ø’Ý<Øüß.”

Ani EA pagkatapos ng Mia presscon na pinagbibidahan nila ni Coleen Garcia, buenamanong handog ng Insight 360 Films at Viva Films na mapapanood sa January 15, “Siyempre hindi naman ako post nang post. Nagpo-post lang ako kapag may okasyon.

“I’m happy and proud na alam na ng tao na siya ang girlfriend ko na mag-seven years na kami sa next month. Matagal na rin kumbaga, and happy ako at may freedom ako na i-express ang love ko sa kanya.”

Ukol sa kumalat na proposal, sinabi niyang, “Hindi po totoo dahil may kanya-kanya pa kaming karera, especially ako personal career ko, marami pa akong gustong gawin. Okey nga iyon kasi bata pa rin siya turning 25 pa lang siya, ako 30, kumbaga walang pressure sa akin, gagawin niya ‘yung gusto niya, maggo-grow siya mag-isa ako ganoon din.

“Para sa akin masaya at naroon ako sa ganoong relasyon kaya hindi totoong nag-propose ako. Kumbaga nagpunta lang kami ng ibang bansa, nag-stay lang kami sa relatives niya at nag-meet din kami ng relatives ko ganoon lang. Nagbakasyon lang kami and walang nangyaring proposal. Kapag mayroon po ipaaalam naman namin.”

Hindi naman itinanggi ni EA na napag-uusapan na nila ang ukol sa kasal. “To be honest yes, especially ako, kasi ako ang lalaki. Pero hindi naman ibig sabihin na gusto na namin talaga (pakasal), pumapasok lang sa isip namin.

“Iba ‘yung gusto sa pumapasok lang sa isip eh. Kapag gusto kasi gagawin ko na. Pero as of now pumapasok pa lang sa isip ko pero hindi ko siya hinahayaang gustuhin ko na kasi nga ‘yung status naming dalawa, na siya bago lang din at gusto ko suportahan din siya sa career niya. At ako naman ang dami ko pang puwedeng gawin. Hindi pa ako dapat mag-settle down kasi mahal ko pa ang career ko and sa GMA ang dami pa naming puwedeng gawin.

“Kaya thankful kami sa GMA kasi binibigyan nila kami ng tamang projects para sa amin.”

Isa si Shaira sa ibini-build-up din ng GMA kaya marami pang naka-line-up na project sa aktres.

Natagalan ang pag-amin ni EA sa relasyon nila ni Shaira dahil, “Iniisip lang naming siguro ang mga career namin specially ako masyado lang…ako dahil mahal ko nga ang career ko masyado akong nag-focus doon sa mga idea ko na baka hindi ako ma-team up sa iba, baka hindi ako mabigyan ng project.

“And now na-realize ko na parang tatanggapin naman ako ng tao kung mayroon akong lovelife kasi hindi naman nakaaapekto sa trabaho, ‘yun ‘yung realization ko kung bakit kami nag-out na.”

Ang Mia ay ipinrodyus ng public relations guru at award winning filmmaker na si Chris Cahilig para sa Insigt 360 Films sa pakikipagtulungan ng Viva Films. Ang istorya ng Mia (Coleen) ay ukol sa isang self-destructive alcoholic na doctor na pinipilit malimutan ang isang trahedyang nangyari sa kanyang fiancé samantalang si Jay (EA), ay ang  nag-transform ng mined-out land sa rainforests.

Bukod sa magaling na pagkakaarte ng mga bida, tiyak na maiintriga ang sinumang manonood ng pelikula sa unique at realistic take nito ukol sa love, at healing.

Kasama rin sa pelikula sina Yayo Aguila, William Martinez, Billiw Crawfird, Star orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Beneitez, at Xenia Barrameda.

Pero bago mapanood ito sa big screen sa January 15, magkakaroon muna ng National Mia Day na gaganapin sa Cinema 1 ng SM Megamall na sinumang may pangalang MIA ay mabibigyan ng libreng tiket para sa special screening ng pelikula. Kaya sa mga may pangalang MIA, sugod na sa Megamall sa January 13.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top