Friday , July 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, nuknukan ng kunat
Aktor, nuknukan ng kunat

Aktor, nuknukan ng kunat

TALAGA palang nuknukan nang kunat ang guwapong actor na ito na walang patawad kesehodang kadugo niya ang pinagkukunatan niya.

Let’s hear it from our source, “Naku, ibang klae ang poging idol mo na yummy pa rin kahit tanders na! Hindi nga siya maramot pero saksakan naman nang kuripot, sana man lang kung ibang tao ang pinagkukuriputan niya!”

Ilang beses nang hinihiram ng kanyang bradir ang kanyang karu. ‘Yun ‘yong mga pagkakataong may color coding.

Wala namang pagdaramot sa parte ng handsome actor, pero kung full tank halimbawang ipinahiram niya ang kanyang karu, dapat ay full tank pa rin kapag isinauli iyon.

“Kapatid na ‘yan, ha? Paano pa kung ibang tao, baka pabayaran na ang car rental…kaloka siya!”

Kilala rin naman kasi ng press ang karakas ng aktor na kung humaharap sa kanila’y parang walang bulsa ang pantalon.

Da who ang aging but handsome actor na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Chubby Concordia.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top