Monday , April 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Nativity scene ng CSJDM, Bulacan nakasungkit ng world record sa Guinness Book
Nativity scene ng CSJDM, Bulacan nakasungkit ng world record sa Guinness Book

Nativity scene ng CSJDM, Bulacan nakasungkit ng world record sa Guinness Book

OFFICIALLY amazing!”

Ganito isinalarawan ni Guinness Book of World Record adjudicator Swapmil Mahesh Dangarikar ang isinagawang nativity scene sa lungsod ng San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 20 Disyembre.

Nakiisa ang nasa kabuuang 2,101 katao sa nasabing aktibidad.

Bunsod nito, nasungkit ng lungsod ang Guinness World Record para sa “most number of living figures in a nativity scene.”

Nahigitan nito ang dating record holder na United Kingdom na mayroong 1,254 kataong lumahok.

Ayon kay San Jose del Monte Rep. Rida Robes, katuparan ito sa hiling ni Pope Francis na palaganapin ang kabanalan ng nativity sa mundo.

Nagpasalamat si Mayor Arthur Robes sa lahat ng sumuporta upang maging matagumpay ang aktibidad.

Gumanap sa nativity scene ang mambabatas bilang Birheng Maria habang ang alkalde naman ay Joseph.

Bukod dito, hawak na rin ng lungsod ang record bilang Largest Lantern Parade in the World.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top