Tuesday , November 4 2025

Pasahe minamanipula ng grab, Angkas, aprobahan na — Imee

SINUSUBOK ng Grab ang pasensiya ng kani­lang mga pasahero.”

Ito ang galit na pahayag ni Senador Imee Marcos matapos ulanin ng reklamo ang Grab dahil sa lampas-dobleng singil sa pasahe gayong naki­pagkasundo sa gobyerno na lilimitahan ang fare hike ngayong Disyembre sa 22.5 porsiyento lamang.

“Monopolisado ng Grab ang ride-hailing service kaya nila naga­gawa ito. Dapat maging mapagbantay tayong lahat lalo na ang mga nasa gobyerno at huwag palusutin nang basta na lang ang mga pang-aabusong ito,” pahayag ni Marcos.

Isang buwan pa lang ang nakalipas nang iutos ng Philippine Competi­tion Commission na ibalik ng Grab sa kanilang mga customer ang P23.5 milyon na sobrang singil nito sa pasahe.

Sa ipinakitang screen­shot ni Marcos, ang biyaheng isang kilometro lamang na dati ay sinisingil ng wala pang P100 ay P245 na ngayon via GrabCar o P231 hanggang sa P346 via GrabTaxi.

Kaugnay nito, isinu­sulong ni Marcos ang Senate Bill 409 na paya­gan ang Land Tran­sportation Franchising and Regulatory Board ang Angkas na gawing lehitimo at alternatibong sasakyan ng publiko sa gitna ng matinding sikip ng trapiko, at maka­pagbibigay din ng dagdag trabaho.

“Sana umangkas na ang LTFRB sa diwa ng Pasko at regalohan ng siguradong trabaho ang mga Angkas driver,” ani Marcos.

Paliwanag ni Marcos, sa 15,000 Angkas drivers, 4,000 o higit pa sa 25 porysiento ang hindi nakatapos sa kolehiyo o kaya’y dating walang trabaho.

“Ang pinakamatrapik na mga lugar sa ating bansa partikular sa Metro Manila, Cebu at Davao ay nananawagan din magka­roon ng maginhawa at mabilis na uri ng trans­portasyon na tulad ng motorsiklo,” dagdag ni Marcos.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …