Saturday , April 20 2024
Ampatuan Maguindanao Massacre
Ampatuan Maguindanao Massacre

Malacañang kompiyansa sa desisyon ng hukom sa Ampatuan massacre

KOMPIYANSA ang Palasyo na mananaig ang katarungan sa paglabas ng desisyon ng hukuman sa Ampatuan massacre case na naganap sa Maguinda­nao.

“The court will decide on the basis of evidence so we hope that justice will be given to the parties, especially for the prosecution,” sabi ni presidential spokesman Salvador Panelo.

Itinakda ni Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes ang paglalabas ng hatol sa karumal-dumal na krimen ngayong 9:00 am sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Pangunahing mga akusado sa kaso ang mga miyembro ng pamilya Ampatuan.

Matatandaan, pinas­lang ang 58 katao, 32 ay mga mamamahayag, noong 23 Nobyembre 2009 habang patungo sa tanggapan ng Comelec para maghain ng certificate of candidacy ni Toto Mangudadatu, kari­bal sa politika ng mga Ampatuan.

Ang Maguindanao massacre ang itinuturing na pinakamadugong pag-atake sa media sa buong mundo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *