Friday , February 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jane, mananatiling loyal sa manager kahit sikat na
Jane, mananatiling loyal sa manager kahit sikat na

Jane, mananatiling loyal sa manager kahit sikat na

PURING-PURI ng president/CEO ng T.E.A.M na Tyronne Escalante ang kanyang alagang si Jane De Leon dahil kahit natapos na ang kontrata nito sa kanyang management ay nanatili itong loyal at grateful sa kanya.

Ayon nga kay Jane ukol sa pagiging loyal sa kanyang manager, ”Sinabi ko naman ‘yun kay Kuya Tyrone, noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz.

“Nag-promise ako sa kanya na, ‘Kuya Ty, balang araw, makakukuha rin po tayo ng proyekto, darating din ‘yung time para sa isa’t isa.’

“Pareho po kasi kaming nangangarap. Hindi lamang po ako ‘yung binibigyan niya ng oportunidad na matupad ‘yung pangarap ko.

“Para ko na po kasi siyang tatay, kapatid, kuya, ganoon po kasi siya, ‘yung pagmamahal niya sa mga artist niya. It’s not all about money, it’s about heart din po.

“Inuuna niya po talaga iyong sa mga alaga niya, bago ‘yung sa sarili niya, sinabi  ko talaga sa kanya, na kapag kaming mga alaga niya, natupad ang mga pangarap namin, kami rin ang tutulong sa kanya para umangat siya,” giit ni Jane.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top