Friday , February 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Catriona, napupusuan si Liza na maging Miss Universe
Catriona, napupusuan si Liza na maging Miss Universe

Catriona, napupusuan si Liza na maging Miss Universe

MAY wisdom na talaga si Catriona Gray na kasasalin pa lang ang korona bilang Miss Universe sa Miss South Africa na si Zozibini Tunzi. 

Binigyang diin n’ya kamakailan na mataas ang posibilidad na maging Miss Universe si Liza Soberano. Pero ‘di mangyayari ‘yon hangga’t ‘di nagpapasya ang batang aktres na gusto n’yang maging Miss Universe at may matindi siyang dahilan na hangarin ang ganoong kalaking titulo.

Paliwanag ng Miss Universe 2018, “Everyone’s always wanted Liza to join, ‘di ba? She’s very, very beautiful. I feel like she would be wonderful. 

“But I really feel that it needs to be the girl who wants to do it. Even if you have so many people saying, ‘Yes, this is for you! This is your path!’ unless you feel it… It needs to be your own passion, it needs to be your own will.”

Nagpahayag si Catriona tungkol kay Liza bilang sagot sa isa sa mga tanong sa kanya noong contract signing niya bilang book author sa ABS-CBN Publishing. Ang isa sa mga itinanong sa kanya ay kung sino sa palagay n’ya ang celebrity na Pinay na pwedeng maging Miss Universe din na gaya n’ya. At si Liza nga ang naisip n’ya agad.

Alam na natin na noong nagdalaga na si Liza ay napakarami nang nagpahayag na dapat siyang sumali sa Bb. Pilipinas at manalangin na ang mapanalunan n’ya ay ang maging kinatawan sa Miss Universe. Ina-assume ng lahat na siguradong magwawagi si Liza ng alinman sa mga titulong Bb. Pilipinas kapag sumali siya.

Noong 2017, pinaganap pa nga si Liza na Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Bago ang paggagap n’yang ‘yon ay nakapagpahayag na si Pia na itinuturing n’ya ang batang aktres na pwedeng-pwede na maging representative ng Pilipinas sa ano mang international beauty pageant.

Pero malinaw at diretso ang takbo ng utak ni Liza. Kahit na ang mismong ama pala n’ya at ang boyfriend n’yang si Enrique Gil ay pabor na sumali siya sa Bb. Pilipinas, inamin n’yang wala ‘yon sa isipan n’ya.

Deklara ng aktres sa isang interbyu noong 2017, “I really want to focus on my acting career, because it’s my dream. When it comes to Miss Universe, I don’t think I will able to handle all the pressure.” 

Makakaabala nga naman sa pagkita n’ya sa Pilipinas ang pagsali n’ya sa isang beauty contest. Ang laki-laki na ng kita ni Liza bilang aktres. Pagbubunyag nga kamakailan ng manager n’yang si Ogie Diaz, sa kauna-unahang TV commercial pa lang ni Liza, nabayaran na nito agad ang naabono n’yang halos kalahating milyong piso para mapasikat ang half-American na batang aktres. (Pinoy ang ama ni Liza; ang ina n’ya ang banyaga.)

Totoo namang ang laki na ng kinikita ni Liza. Naibabakasyon na n’ya sa Japan at sa iba pang bansa once or twice a year ang ama at mga kapatid n’ya. At siguradong maganda at malaki na ang sariling bahay nila.

Samantala, Conquering Your Universe ang titulo ng unang librong isusulat ni Catriona.

“Its about conquering yourself, conquering others and conquering for a purpose to conquer your dreams. Kiliiiiiig. I’m gonna be an author,” pahayag n’ya sa Instagram kamakailan. Sa 2020 ilalabas ng ABS-CBN Books ang libro.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top