Tuesday , February 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bossing Vic, parang magkakasakit ‘pag ‘di sumali sa MMFF
Bossing Vic, parang magkakasakit ‘pag ‘di sumali sa MMFF

Bossing Vic, parang magkakasakit ‘pag ‘di sumali sa MMFF

 “EH, kahit naman maging 3rd runner-up pa kami, okay lang!” ang bulalas naman ng may lahok na Mission Unstapabol The Don Identity sa MMFF 2019 na si Vic Sotto.

Na hindi naman nananawa sa patuloy na pagsali sa nasabing film festival.

“Gaya nga ng sabi ni Jose (Manalo) parang naging isang panata na ito. Ako, parang magkakasakit kung wala akong entry. Sa ilang taon nang pagsali ko rito, nakita at naramdaman ko na ang sayang naibibigay namin sa mga manonood tuwing lalabas sila ng mga sinehan. Alam ko na rin ang feeling na magkaroon ng box office win sa takilya. Kaya ngayon, lahat kami ‘yan ang dasal. Na marami ang tumangkilik sa lahat ng pelikulang kasali sa filmfest. Kasi, lahat magaganda at dapat lang na panoorin.”

Si Mike Tuviera ang nagdirehe ng istoryang pagsasaluhan nina Maine MendozaJake Cuenca, Jose ManaloWally Bayola, at Ms. Pokwang.

Nasa 3PolTrobol…si Ai Ai delas Alas. At si Pokwang ba ang alas ngayon ni Bossing Vic?

Enjoy the movies!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top