Saturday , March 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Convicted at fugitive ADD leader in concert: ‘Bro. Eli as Frog Sinatra’

Convicted at fugitive ADD leader in concert: ‘Bro. Eli as Frog Sinatra’

WALA talagang kasa­wa-sawa sa panloloko ang damuhong si Bro. Eli “Kuyukot” Soriano (BEKS), ang puganteng lider ng grupong ‘Ang Dating Daan’ (ADD) at ng samahan na nag­papakilalang “Members of the Church of Drugs International.”

Lahat na lang ng klaseng raket, basta’t pagkakakitaan, ay naiimbento ni Bro. Eli para mahuthotan ang mga kasapi ng kanyang huwad na relihiyon.

Imbes kasi pagpapalaganap ng ebanghelyo ay walang inatupag itong si Bro. Eli kung ‘di umisip ng paraan para pagkaperahan ang kanyang mga panatikong miyembro sa ADD-MCGI.

Kung nabubuhay lamang ang tinaguriang ‘Chairman of the Board’ na si Frank Sinatra ay tiyak na hindi makapapayag na pati siya ay magamit nitong si Bro. Eli sa malaking scam at kawalanghiyaan.

Biruin n’yo, ang yumaong music icon na matagal nang patay ay walang kamuwang-muwang na nakatakda siyang pagkakitaan ng convicted-fugitive ADD-MCGI leader sa isang solo concert na pinamagatang “Bro. Eli Sings Frank Sinatra.”

Sa ngalan ni Frank Sinatra, siguradong limpak-limpak ang madadale ni Bro. Eli mula sa mga kaawa-awa niyang miyembro sa ADD-MCGI… tsk, tsk, tsk!

Malamang kaysa hindi, pagkatapos ng concert, tulad sa mga nauna, ay susundan ito ng puwersahang pagbebenta ng CD sa mga miyembro.

Bayad sa concert, bayad pa ulit sa CD!

At ‘pag malaki-laki ang kinita sa nakatakdang raket ni Bro. Eli, baka mainggit ang kanyang pamangkin na tulad niyang frustrated singer at gumawa rin ng sarili naman niyang concert.

Hindi naman sa pamimintas, pero sinong matinong nilalang na hindi miyembro ng ADD-MCGI ang bukod sa gagastos ay magtitiyaga pang makinig na kumanta si Bro. Eli at kanyang pamangkin na hindi naman parehong singer, aber?

Ang alam natin, ibang klaseng mikropono ang paborito ni Bro. Eli na kadalasa’y kumakanta siya nang nakaluhod at walang belo sa ulo.

Maituturing na ‘crime against humanity’ o isang krimen laban sa sangkatauhan ang makinig kay Bro. Eli na ang boses ay parang ginugupit na lata.

Kahit siguro magbayad pa si Daniel Razon ay tiyak na mahihirapan silang humanap ng makikinig kay Bro. Eli – maliban sa brainwashed na ADD-MCGI members.

Sa madaling sabi, kailangan ay taingang palaka rin ang puwedeng makinig sa boses palaka.

Kaya’t mas nababagay marahil na pamagat ng nakatakdang solo concert ni Soriano ay “Bro. Eli as Frog Sinatra.”

 

WANTED SI BRO. ELI SA 2 COUNTS OF RAPE

BILIB din tayo sa kapal ng mukha ng puganteng ADD leader, sa kabila na matagal nang nasa pinagtataguan niyang bansa sa Brazil dahil sa 2 counts of rape at sodomy ay nagagawa pang kumanta-kanta at ipagpatuloy ang kanyang mga panloloko.

Base sa record, si Soriano ay nakatakda sanang basahan ng sakdal ng mababang hukuman sa kasong rape pero hindi siya sumipot sa itinakdang arraignment noong 2 Hunyo 2009.

Sadyang hindi dumalo si Bro. Eli sa itinakdang pagbasa ng sakdal laban sa kanya sa kasong rape na walang piyansa at nadiskubre ang kanyang pagtakas palabas ng bansa noong 14 Disyembre 2005.

Kalaunan ay natuklasan na si Bro. Eli ay nagtatago sa Brazil na wala tayong ‘extradition treaty’ para siya maipatapon pabalik sa bansa upang harapin ang paglilitis sa kasong rape laban sa kanya.

Noong nakaraang taon, kinatigan ng Supreme Court (SC) First Division ang hatol na guilty ng mababang hukuman kay Soriano sa kasong libel na inihain ni Jesus Miracle Crusade evangelist Wilde Almeda na tinawag niyang “false prophet,” “idiot,” at “apostle of demons.”

Ang pangalan ni Soriano ay nasa “red notice” ng International Police (Interpol) at saan man teritoryo na mayroon tayong extradition treaty ay maari siyang arestohin.

Maaring ipatupad ang pagdakip sa kanya sa sandaling sumayad ang kanyang mga paa sa alinmang embahada at konsulada ng ating bansa na itinuturing na teritoryo ng Filipinas.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top