Thursday , January 23 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Ratipikasyon ng P4.1-T national budget tututulan ni Sen. Ping
Ratipikasyon ng P4.1-T national budget tututulan ni Sen. Ping

Ratipikasyon ng P4.1-T national budget tututulan ni Sen. Ping

SINABI ni Senador Panfilo Lacson, boboto siya tutol sa ratipikasyon ng P4.1 trilyong national budget para sa 2020 matapos itong aprobahan sa Bicameral Conference Committee kahapon ng umaga.

Ayon kay Lacson, kanyang tututulan ang ratipikasyon ng budget dahil sa ‘insertion’ ng House of Representatives na nakita ng senador.

Ito aniya ang dahilan kaya hindi siya dumalo kaninang umaga sa paglagda ng Bicam report ng 2020 National Budget.

Ipapaliwanag ni Lacson ang kanyang pagtutol sa ratipikasyon na dalawang ‘file’ aniya ang nakita ng kanyang tanggapan na may kahina-hinalang in­sertion.

Anang senador, may mga inihabol na insertion ang house na hindi naka-itemized at lump sum projects ng mga congress­man sa ilang lalawigan tulad ng Albay – P670-M, Cavite – P580-M, Sorsogon – P570-M, Batangas- P502-M, Bulacan – P440-M, Pangasinan – P420-M, Cebu – P410-M at iba pa.

Mayroon din aniyang naisingit na 117 flood control projects na nagkakahalaga ng P3.179 bilyon.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top