Thursday , January 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kitkat, walang tulog, ‘di nagkakasakit dahil sa Miracle Vit-C
Kitkat, walang tulog, ‘di nagkakasakit dahil sa Miracle Vit-C

Kitkat, walang tulog, ‘di nagkakasakit dahil sa Miracle Vit-C

SA Biyernes na o Sabado naka-iskedyul ang operasyon ng ama ni Kitkat Favia na may prostate kaya naman kaliwa’t kanan ang raket niya.

Hindi nga naman kasi biro ang gastos lalo’t sa St. Lukes Hospital isasagawa ang operasyon.

Kaya kapag nagkikita kami ng komedyana, ang lagi naming tanong, ‘natutulog ka pa ba?, natulog ka na?’ Kabi-kabila kasi ang raket ni Kitkat, kasama na ang kabi-kabilang endorsement. At ang pinaka-latest ay ang pagiging endorser ng 24 Alkaline-C at 24 Alka- White Glutathione mula sa Em-Core Dotnet.

Napag-alaman naming apat na oras na lang siya laging natutulog.

“Oo, eh, kaya hangga’t kaya ko, go lang ng go, kasi nga ‘di ba, itong mga booking ko ngayong buong December, nakuha ko na lahat at nagamit ko noong namatay si mama (lola niya), kaya itinutuloy ko na lang, pero may mga pumapasok naman kaya ‘yun ang extra ko, thank God sa blessings,” kuwento ni Kitkat nang pumirma ng kontrata sa Em-Core Dotnet.

Dumalo sa contract signing sina CEO Chief Executive Officer/Owner- Ibay Reyes; CFO Chief Finance Officer/ Owner – Reynaldo Panaligan; at President/Owner- Sheryll Edman.

Ibinahagi rin ni Kitkat ang sikreto ng hindi pagkakasakit kahit super work siya at walang tulog. “Alam n’yo na kung bakit hindi ako nagkakasakit, walang kiyems ‘to, ito talaga iniinom ko, noong nagka-flu ako kasi wala talaga akong tulog, itong Alkaline-C ang iniinom ko as in, nakaka-more than 3000 mg ako or more, hayun paggising ko wala na, malakas na.”

Actually, hindi lang gumamit si Kitkat ng Alkaline dahil ieendoso niya kundi talagang sinubukan niya ang effectiveness ng produkto. At may napatunayan siya, “Ito honest, matagal na akong gumagamit nitong Alka-White glutathione, kaya nga ‘yung ibang nag-o-offer sa akin hindi ko tinatanggap kasi may iba na akong ginagamit at napatunayan ko ito.”

Napatunayan ni Kitkat na iba ang glow ng pagiging maputi niya sanhi ng iniinom niyang gamot mula Em-core Dotnet.

Sinabi pa ni Kitkat na, ”maraming nag-offer na, pero itong Alka-White lang gusto ko kasi totoo at approved ng FDA, Superbrands pa at higit sa lahat, Halal kaya safe.

“Marami kasing nag-o-offer na hindi naman approved pa, so nakakatakot, ‘di ba? At saka iilan lang ang in-approve ng FDA na gluta distributor,” giit ni Kitkat.

Actually, maituturing na miracle vitamin c ang Alkaline-C ayon na rin sa ipinakita ay ikinuwento ni Ms. Sheryl. Ito ‘yung lalaking dapat na puputulan ng paa na hindi lang matuloy-tuloy dahil wala pang pambayad sa pagpapa-opera.

“Pinayuhan siya ng in-house doctor ng Em-Core na mag-take ng Alkaline C for 50 caps a day and after ilang buwan, hayun tuyo na at nakakalakad na. Kaya dapat bago ka mag-alok ng mga ganito, may doktor kayo para kapani-paniwala,” ani Ms Sheryl.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top