Thursday , January 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jane De Leon, ‘di pa alam ang hitsura ng costume ni Darna
Jane De Leon, ‘di pa alam ang hitsura ng costume ni Darna

Jane De Leon, ‘di pa alam ang hitsura ng costume ni Darna

INAMIN ni Jane De Leon na wala siyang say sa paggawa ng Darna maging sa kanyang isusuot.

Tsika nga nito sa preascon ng T.E.A.M, ang management ni Jane na pag-aari ni Tyronne Escalante, “Sa costume, wala pa rin akong idea.

Sabay nating abangan, at excited na rin akong aabangan kung ano (hitsura) siya.

Pero ipinakita  rin po nila sa akin, pero nasa mga Ravelo pa rin po ‘yun, sila po ang masusunod kung ano ang gusto nila.

“Pero kahit paano ay tinatanong nila ako, iyung permission kung kaya ko ba ito, kung maganda ba ito.

“Napag-uusapan din po. Pero ‘yung final costume, right now, hindi ko pa po talaga nakikita,” sambit ni Jane.

Wish nga nito na sana ay maging maganda ang resulta ng Darna sa takilya next year (2020).

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top