Thursday , January 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cool Cat Ash, agaw-eksena; Joaquin Domagoso, ang lakas ng dating
Cool Cat Ash, agaw-eksena; Joaquin Domagoso, ang lakas ng dating

Cool Cat Ash, agaw-eksena; Joaquin Domagoso, ang lakas ng dating

PAGOD man dahil sa sobrang trapik at hirap pagpunta sa Music Museum last Friday, nag-enjoy namin kami sa panonood ng mga nag-perform sa katatapos na Can’t Stop The Feeling benefit concert.

Ang Can’t Stop The Feeling benefit concert ay proyekto ng kaibigang manunulat na si Ambet Nabus para sa mga batang kinakalinga ng Bahay Aruga Foundation.

Sa concert na iyon namin unang napanood ang anak ni Yorme Isko Moreno na nag-perform, si Joaquin Domagoso na sumayaw at kumanta. Ang lakas ng dating ng bagets ha, naalala tuloy namin si Yorme noong kabataan niya sa That’s Entertainment. Halatang nahihiya pa si Joaquin pero magaling siyang kumanta at sumayaw. Maging tutok lang siya sa showbiz, malayo ang mararating niya.

Super nag-enjoy din kami kay Cool Cat Ash na napag-alaman naming anak din pala ni Lala Aunor at kapatid ng singer na si Marion Aunor.

Humataw siya sa kanyang advocacy song na Mataba at hindi nahiyang ibando ang malusog na katawan. Imagine naka-sexy outfit pa siya ha gayundin ang kanyang mga back-up dancer. And in fairness, magaganda at sexy (kahit chubby) ang mga back-up dancer. Magaling na performer si Cool Cat Ash at ibang-iba kay Marion. Agaw-eksena si Cool Cat Ash, ang galing ha!

Nagbigay din ng magagandang awitin si Marion at nasabi nga ng kasama kong editor na si Ervin Santiago ng Bandera, nanghihinayang siya kay Marion dahil hindi masyadong nabibigyan ng break gayung magaling na singer at may sariling estilo ng kanta. Tama naman, musikero pa si Marion na siyang nagko-compose ng kanyang mga awitin. Umaasa kaming isang araw, darating iyong talagang mabibigyan siya ng pagkakataon para sumikat pa lalo.

Nag-perform din si LA Santos ng kanyang Isang Linggong Pag-Ibig na orihinal na kanta ni Imelda Papin. Maganda ang version ni LA at kompara noong una namin siyang napanood kumanta at mag-perform, masasabi naming ngayo’y sanay na sanay na siyang humarap sa audience at talagang performer na rin ang dating niya.

Okey din ang paghahandog ng kanta ni Atty. Bruce Rivera na aniya’y ginawa niya iyon para pasayahin ang mga bagets na enjoy na enjoy na nanonood ng gabing iyon.

Nagbigay din ng magandang awitin sina Liezel Garcia na hindi pa rin nagbabago ang magandang tinig, Atak Arana na kinabaliwan ng mga bagets, Miles Ocampo, at siyempre ang finale, ang may pakana ng concert, si Ambet na isinama ang mga batang mula sa Bahay Aruga sa entablado.

Sa aming kumare, kaibigan, mabuhay ka at congratulations sa napakagandang pagtatanghal at pagbabahagi ng tulong para mas maging masaya pa ang Pasko ng mga batang nasa Bahay Aruga Foundation.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top