Thursday , January 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Catriona Gray, nasa Cornerstone na
Catriona Gray, nasa Cornerstone na

Catriona Gray, nasa Cornerstone na

Our journey together starts today! We are very much excited and happy to welcome you to our growing family! We can’t wait to celebrate with our Queen, Miss Universe 2018 @catriona_gray! #CatrionaGray  #MissUniverse2018  #CornerstoneArtist

Ito ang caption ng magandang litrato ni Catriona Gray na ipinost ng Cornerstone sa kanilang Instagram account kahapon ng tanghali.

Tinawagan namin ang isa sa executive ng Cornerstone management para tanungin kung anong projects ang nakalaan kay Catriona sa 2020.

No idea pa Reggs, siguro ‘yung handler niya ang mas nakaaalam pa,” sabi sa amin ni Cynthia Roque.

Bago pa nanalong Miss Universe 2018 si Catriona ay kaibigan na niya ang Presidente at CEO ng Cornerstone na si Erickson Raymundo at napag-usapan nila ang tungkol sa career ng beauty queen at nang nanalo obviously ang duties nito bilang Miss Universe ang prioridad bukod pa na laging nasa ibang bansa ang dalaga.

Pero kung itse-check sa timeline ng Cornerstone IG ay nakakasama nila parati si Catriona sa events kasama rin ang ibang talents nila kaya rito palang ay mahuhulaan ng may usapan na ang magkabilang panig.

Kaya ngayong tapos na ang reign ni Catriona bilang Miss Universe ay malaya na niyang sabihin na ang Cornerstone ang mangangalaga ng career niya.

Nag-message kami kay Erickson thru Facebook pero hindi pa kami sinagot baka wala pa siya sa bansa dahil ang huli niyang post ay nitong Disyembre 9 kasama si Catriona sa Atlanta, Georgia USA.

Ang caption ni Ericson, “I’ve been sick since I got here in the US and I just stayed on bed for 4 days but thank God, I got better today and was able to watch Miss Universe live. It was thrilling to watch @catriona_gray win the title last year and it’s so heartwarming to see her pass the crown today. But for us, Cat, you will always remain and stay as our Queen. Now we can’t wait to see what’s in store for you in the coming months. #catrionagray  #missuniverse

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top