Thursday , January 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aga Muhlach, pinaiyak ang mga film exhibitor
Aga Muhlach, pinaiyak ang mga film exhibitor

Aga Muhlach, pinaiyak ang mga film exhibitor

MASAYANG ikinuwento ng mahusay na actor na si Aga Muhlach na nang ipinanood ng Viva ang Miracle In Cell No 7 sa mga film exhibitor mula sa iba’t ibang malls ay very positive ang naging reaksiyon ng mga ito.

Ayon nga kay Aga, “It was really overwhelming. Kasi hindi ako nanonood ng pelikula ko, napapanood ko lang ang pelikula ko ‘pag premiere night na. 

“Pagkakita nila sa akin they were started clapping and congratulating me. Sabi ko, ‘Wow, parang nakakahiya naman.’ 

“Ayokong masyadong mag-expect na ganoon, masaya na ako nag-enjoy sila and they were all congratulating me and the whole cast. 

“And siyempre, parang alam na nila, may mga haka-haka, may predictions silang sinabi, happy sila, eh,” kuwento ni Aga.

Showing ang Miracle In Cell No. 7 simula Dec. 25. Makakasama rin dito sina Bela Padilla, Xia Vigor, John Arcilla,Tirso Cruz III,  Mon Confiado atbp..

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top