Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nico, aminadong kinaliwa ang GF (Arianne, ‘di na kumontak sa aktor)
Nico, aminadong kinaliwa ang GF (Arianne, ‘di na kumontak sa aktor)

Nico, aminadong kinaliwa ang GF (Arianne, ‘di na kumontak sa aktor)

DERETSAHANG inamin ni Nico Locco na niloko o  kinaliwa niya ang dating kasintahang TV actress na si Arianne Bautista.

Personal naming nakausap si Nico, Huwebes ng gabi, December 5, sa grand presscon ng Metro Manila Film Festival entry na Culion (sa Novotel Hotel ballroom sa Cubao, Quezon City) na isa siya sa mga cast  bilang isang Amerikanong sundalo.

“Yes, I did,” ang mabilis na sagot ni Nico nang tanungin namin kung nag-cheat nga ba siya kay Arianne. “To be honest, and for the record I did cheat on her.

“I can’t lie, right? I cheated on her, I made a mistake, I got uncomfortable in the relationship.”

Cheated meaning may relasyon pa sila ni Arianne ay may iba pa siyang girlfriend?

“Tama, tama po… well I didn’t have another girlfriend pero may interactions with other women.”

Fling?”Hindi naman fling.”

One-night stand? “Yeah, ayun, ayan.”

Na karelasyon niya si Arianne ay nakipag-sex siya sa ibang babae. “Tama.”

Sino ‘yung other woman? “Non-showbiz, model.”

Nakilala niya ang naturang babae sa isang event.

Natuklasan ni Arianne ang pangangaliwa niya nang buksan ni Arianne ang laptop niya at nakita ang pag-uusap nila ng naturang third party.

“Messages, evidence, from the girl, unfortunately.”

At nabisto nga siya ni Arianne.

“But at the end of the day naman, I truly believe that if you’re cheating you’re gonna be caught eventually it’s just a matter of time.

Bakit siya nag-cheat?

“Grabe! I ask myself that question everyday, now that I’ve lost her. Kasi I really did love her, like to be honest with you guys.”

Kaya bakit nga siya nangaliwa?

“I dunno why but I thought, for some reason my relationship with her and what I was doing on the side wouldn’t cross over, they wouldn’t affect each other?

“Which was totally bobo of me because siyempre it was gonna affect her and did affect her, really hurt her badly and I’m still mad at myself for that.”

ARIANNE,
‘DI NA KUMONTAK
SA AKTOR

Sampung buwang tumagal ang relasyon nina Nico at Arianne bago nagtapos halos limang buwan na ang nakalilipas.

Ni wala silang anumang komunikasyon ni Arianne matapos ang hiwalayan.

“Especially after nag-post siya, walang communication.”

Sa pagkakaalam niya, galit pa ba si Arianne sa kanya?

“I mean I haven’t talked to her personally but I talked to people that know her, kasi siyempre I’m concerned also that siguro she’s depressed or sad about what I did, pero okay na siya.

“Okay na siya daw, she moved on, which I’m happy to hear ‘coz I was sad a lot because of what how I hurt her.”

Hindi niya nakarelasyon ang babaeng dahilan ng hiwalayan nila ni Arianne, one-night stand lang iyon pero naulit ng ilang beses.

Ilang beses siyang nag-cheat kay Arianne?

“Hindi ko alam, I won’t say, I won’t say.”

Hindi rin alam ng naturang babae na naka-one night stand niya na may GF siya that time.

Umamin si Nico sa kanyang pangangaliwa kahit ang payo sa kanya ng marami ay manahimik na lang.

“But I wanted to say something because what I did was truly wrong and I regret what I did so siyempre maybe there’s a lesson to be learned for me and for other people.”

At ang natutuhan ni Nico ay, “If you’re going to accept a relationship, if you’re going to go into a relationship, you can’t give ninety-eight percent, you can give ninety-nine point nine percent, you have to give one hundred percent.

“Because it just takes that little slip that little temptation to ruin everything.”

May gagawin ba siya para magkaayos at maging sila muli ni Arianne?

“Wala akong plano eh, ‘coz I feel like I hurt her so much, that I don’t want to disturb her or anything. So wala akong plano to get back with her.”

Kaya hahayaan na niya si Arianne?

“I’m letting her go, oo. I think it’s better for her naman to move on, for me to move on. Like I said I learned a lesson and sana well, I’m confident naman, the next relationship I take on, I’ll know what to do.”

Alam ni Nico dahil sa nangyari, ang tingin sa kanya ngayon ng marami ay “fuccboi” at sinungaling.

Kung makakaharap niya ng personal si Arianne, ano ang sasabihin ni Nico sa dalaga?

“Arianne, I’m so sorry for what I did to you. I’m so sorry for cheating on you. I regret everything that I did. I know that I can’t take it back, I know that I can’t take back what I did pero I truly want you to be happy in life kahit it won’t be with me.

“I hope that you find somebody that really does care for you and you get the love that you deserve.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top