Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin at Angelica Panganiban magtatambal sa isang romcom valentine movie sa Star Cinema
Coco Martin at Angelica Panganiban magtatambal sa isang romcom valentine movie sa Star Cinema

Coco Martin at Angelica Panganiban magtatambal sa isang romcom valentine movie sa Star Cinema

Hindi pa man naipapalabas ang MMFF entry movie ni Coco Martin na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon katambal si Jennylyn Mercado, palabas na sa December 25, e may bago na namang romcom movie si Coco sa Star Cinema kasama ang bagong leading lady na si Angelica Panganiban.

Ginanap kahapon sa Star Cinema office ang story conference ng movie nina Coco at Angelica na magsisilbing Valentine offering ng Star Cinema this February. Parehong excited sina Coco at Angelica sa kanilang tambalan na may chemistry agad.

Nagkatrabaho na ang dalawang sikat at mahusay na actors sa FPJ’s Ang Probinsyano. At kung may napatunayan si Angelica sa romcom movies, ganoon din naman si Coco at kumita sa takilya ang team-up nila ni Sarah sa drama-romance film nilang “Maybe This Time” na idinirek ni Jerry Lopez-Sineneng at kumita nang mahigit P140 milyon.

Ang box office director na si Mae Cruz-Alviar ang director ng Coco-Angelica movie.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top