Monday , August 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, ‘naisahan’ ni network executive, project ‘di na itinuloy
Aktor, ‘naisahan’ ni network executive, project ‘di na itinuloy

Aktor, ‘naisahan’ ni network executive, project ‘di na itinuloy

DESMAYADO ang isang male star. Pinangakuan kasi siya ng isang magandang assignment ng isang network executive. Naniwala naman siya dahil nagkaroon na ng initial production meeting para roon. Siyempre dahil halos sure na ”bumigay na ang male star sa request ng executive.” Tapos bigla raw hindi na pala tuloy ang project, desmayado siya lalo na at magdadalawa na ang anak niya.

“Nagpa-TY na nga ako sa kanya tapos ganoon pa ang nangyari. ‘Di sana nagpabayad na lang ako may pera pa,” sabi pa raw ng male star na masama ang loob sa kanyang kaibigan, na nagkuwento naman sa aming source.

Eh kasi naman, bakit nga ba pumapasok pa sila sa mga ganoong deals? Hindi pa ba sila natututo sa mga naging karanasan ng mga nauna sa kanila? (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top