Tuesday , February 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gretchen Ho, no comment sa relasyon kay Mayor Vico
Gretchen Ho, no comment sa relasyon kay Mayor Vico

Gretchen Ho, no comment sa relasyon kay Mayor Vico

NA-LATE si Gretchen Ho sa 14th Gawad Filipino Awards dahil nanggaling pa siya sa SEA Games. Halata ang kaligayahan ng sportscaster pagkatapos tanggapin ang Best Segment Host of the Year para sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

“Very special po sa akin ang award na ito dahil this is my first award bilang sports reporter. Thank you very much for the award.”

Para sa amin, tamang-tama amg pagkakataong ‘yun para magkaroon ng on the spot interview sa kanya at matanong kung ano ang saloobin sa trending pix nila ni Pasig Mayor Vico Sotto na magkatabi habang nanonood ng volleyball game.

Agad naming siyang tinanong ukol sa trending picture nila ni Mayor Vico. Tiningnan niya kami pero hindi agad sumagot at nag-isip at saka sinabing, “Huwag na nating pag-usapan ‘yan.”

Ito ang pakiusap niya sa amin na pinagbigyan namin.

But on the serious side, sinabi ng Mayor ng Pasig na, “Lahat na lang ginagawang politika. ‘Wag naman ninyong idamay ang Pasig sa ‘fake news’ dahil kahit kalakasan ng ulan noong 2:00 p.m., hindi bumaha sa Pasig.

“Magandang makapanood ng laro sa Pasig ang mga opisyales ng lugar na ito. Suportahan na lang natin lahat ang mga atletang Filipino, ‘di ba?”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top