Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JC, ‘di pa nag-propose sa ina ng kanyang anak; kasalan, matagal pa
JC, ‘di pa nag-propose sa ina ng kanyang anak; kasalan, matagal pa

JC, ‘di pa nag-propose sa ina ng kanyang anak; kasalan, matagal pa

NILINAW ni JC de Vera ang napabalitang nag-propose siya kay Rikkah Cruz, ang kanyang partner at ina ng anak niyang si Lana Athena.

Hindi!

“Nagpa-picture lang kami for our page.”

Hindi proposal ang naganap.

Hindi, sinabi lang ng lahat,” at natawa si JC.

Kasi mayroon akong kabarkada talaga na photographer and we needed that  photo para ilagay doon sa page namin. So iyon ‘yung ipinost ko.

“Kaya nga ‘yung caption ko lang is  for the shop, kasi iyon ‘yung pangalan niyong company ng photographer na friend ko, Stellar, that’s their ano eh, parang tagline for the shop, so iyon na ‘yung inilagay kong caption.”

Masaya naman si JC nang nabasa niya ang mga congratulatory messages ng mga taong akala ay ikakasal na sila ni Rikkah.

Kasi iyon ‘yung sa tingin nila and we’re also looking forward to it, na alam naman din namin na papunta kami roon.”

Kailan ba talaga sila ikakasal?

Wala pang specific date, probably, well… wala pa, wala pang specific date. But pinag-uusapan na.”

Kahit kung anong year ay wala pa?

Wala pa, basta pinag-uusapan pa lang.”

Ano ang nakapipigil sa kanila na magpakasal na?

“Ayo­kong pangu­nahan ‘yung sarili ko, ayokong pangu­nahan ‘yung mommy ni Lana, I mean ayaw naming pangunahan ang lahat.

“Gusto namin very well prepared kami and right now we’re preparing, marami pa kaming malalaking ventures na darating for this coming 2020.

“Outside showbusiness marami kaming ipini-prepare. 

“So alam mo ‘yun, lahat ‘yun pinag-uusapan namin kasi ‘yung asawa ko naman din businesswoman siya. Ako rin so heto marami kaming pinaplano for our little family.”

May mga restaurant si JC, ang The Burgery at ang Rustic Box.

Pinasok na rin ni JC ang construction dahil iyon ang negosyo ni Rikkah.

Right now on the side mayroon kaming mga ginagawang projects for construction.”   

Nakausap namin si JC sa mediacon ng Love Is Love na bukod kay JC ay pagbibidahan ni Roxanne Barcelo, directed by GB Sampedro.

Produced ng RKB Productions and written by Araceli Santiago, tampok din sa pelikula sina Jay Manalo, Raymond Bagatsing, Marco Alcaraz, Neil Coleta, Keanna Reeves, at Rufa Mae Quinto.

Sa pelikula ay may eksenang hawak ni JC ang kaliwang boobs ni Roxanne (although nakadamit naman ito) at hindi dinaya iyon.

Pinag-usapan nila ni Roxanne bago kinunan ang naturang eksena.

“Lahat naman pinag-uusapan namin and we made sure na lahat kami okay doon sa eksena, na hindi lang basta-basta dapat ko siyang gawin.

“Pinag-usapan talaga namin and we made sure na may essence siya roon sa pelikula,” at tumawa si JC, “hindi basta makagawa lang kami ng eksena.”

Alam ni Rikkah na may ganoon silang eksena ni Roxanne.

Pinapabasa ko naman ‘yung scripts nq ginagawa ko.

“Naiintindihan niya na actor ako and trusted  naman ako, eh. Alam n’ya naman na very professional ako pagdating sa mga ganyan. 

“And very faithful and loyal ako. Wala siyang masasabi talaga.

“Kahit itanong nyo kay Rox how I am sa set, mae-explain niya lahat.” 

Lalaki si JC, ano ang nararamdaman niya habang hawak ang boobs ni Roxanne habang kinukunan ang eksena?

Wala! Wala. I’m just working. Ganoon ako ka-professional.

“Aktor ako at hindi ko hinahaluan ng malisya ‘yung mga ginagawa ko.

“Kung ano ‘yung kakailanganin ko sa eksena, whatever I need to feel that moment, ginagawa ko. 

“Medyo malalim siyang pakinggan, mahirap siyang intindihin pero kapag pumapasok kami roon sa eksena tanggal lahat ng mga inhibition namin.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top