Saturday , January 18 2020
Breaking News
You are here: Home / News / PH humahakot ng gold… Duterte super saya sa SEA Games

PH humahakot ng gold… Duterte super saya sa SEA Games

PINAPURIHAN ni Pangulong Duterte ang opening night ng South East Asian games o SEA Games kasama na ang lahat ng grupo at indibidwal na nasa likod nito.

Lalo pang natuwa ang pangulo nang humakot agad ng 23 gold medals ang Pinoy athletes sa unang araw ng kom­petisyon noong Linggo at patuloy na nama­mayag­pag kahapon.

Kabilang sa pina­purihan ng Pangulo ang organizers, per­formers at volunteers sa pagtatanghal ng opening ceremony ng SEA Games na kauna-unahang gina­nap sa isang dambu­halang indoor stadium.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, isang palabas ng pagkakaisa ng mga Filipino ang opening night dahil dumagsa ang mga manonood mula sa iba’t ibang estado ng buhay at iba’t ibang grupong politikal upang suportahan ang mga atletang Pinoy.

“Once again, the Filipino nation rose to the challenge and exhibited before the world the cultural genius of the Filipino and the best of Filipino talent giving world-class performances of our singers and dancers with impressive stage design and production, including the cauldron lighting ceremony, as well as the mesmerizing fireworks display,” ayon kay Panelo.

Tinukoy ng Palasyo ang saya at ingay ng mga manonood nang puma­rada sa entablado ang koponan ng Filipinas sa saliw ng tugtog na “Manila.”

Kinilala din ang pre­sensiya ng walong sport­ing legends na sina Bong Coo, Alvin Patrimonio, Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko Thomp­son, Paeng Nepomuceno, Onyok Velasco, at Efren “Bata” Reyes.

Ayon kay Panelo, pinasaya ng walong sports icons ang mama­mayang Filipino at binig­yan ng hindi matata­warang inspirasyon ang mga atletang Pinoy.

Hindi rin pinalampas ng sikat na “The Strait Times” ng Singapore ang opening ceremony at inilathala sa kanilang pahayagan na dalawang oras lang ang katapat upang mabura ang mga negatibo at mapanirang balita na ibinato sa 30th SEA Games sa nagdaang ilang araw.

Kaugnay nito, umaasa ang palasyo na magsisilbing inspirasyon at tutularan ng ibang bansang nakatakdang mag-host ng SEA Games sa susunod na mga taon ang hosting ng Filipinas sa naturang palaro.

“The opening ceremony has set the bar high for prospective hosts of international sporting events. For us, this ceremony should remind us that with unity, camaraderie and support, WeWinAsOne. Cheers!” ayon kay Panelo.

Humataw nang todo sa kanilang events ang koponan ng Filipinas na nakapagtala na ng 23 gintong medalya sa unang araw pa pa lamang ng SEA Games.

Inaasahan ng organi­zers at sports officials ng Filipinas na makokopo ng ating bansa ang over all championship sa 30th SEA Games.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top