Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo, Best Supporting Actor sa 37 th Luna Awards
Arjo, Best Supporting Actor sa 37 th Luna Awards

Arjo, Best Supporting Actor sa 37 th Luna Awards

PANALO si Arjo Atayde bilang si Biggie Chen sa pelikulang Buy Bust sa nakaraang 37th Luna Awards bilang Best Supporting Actor.

Unang pelikula ni Arjo ang Buy Bust na ipinalabas noong 2018 na produced ng Viva Films at idinirehe ni Erik Matti. Mahigit limang minuto lang ang exposure ng aktor sa pelikula ni Anne Curtis pero nakuha niya ang boto ng mga kasamahan niya sa industriya ng pelikula.

Hindi naman personal na natanggap ng aktor ang kanyang Best Supporting trophy dahil kasalukuyan siyang nasa Amerika para sa sampung araw na bakasyon sa mga kaanak nila.

Ang Star Magic publicist na si Thess Gubi ang tumanggap ng tropeo para sa aktor na pinasalamatan nito ang lahat ng bumubuo ng Luna Awards.

Namumukod tanging si Arjo ang bagito sa hanay ng mga nominado sa Luna Awards 2019 at tinalo niya sina Soliman Cruz (Liway), Carlo Aquino (Goyo: Ang Batang Heneral), Mon Confiado (Signal Rock), at Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral).

Maganda ang pasok ng taong 2019 kay Arjo dahil simula palang ng taon ay maraming blessings na siyang natanggap dahil noong Hunyo umere ang una niyang digital series na Bagman na produced ng Rein Entertainment at Dreamscape Digital sa iWant at dahil sa ganda ng reviews at feedbacks ay nagkaroon ito ng season 2 na kasalukuyang umeere ngayon. Nitong Sabado ng gabi umere ang 2nd drop ng Bagman season 2 na episodes 5 at 6.

Bukod sa Luna Awards, nasungkit din ni Arjo ang Best Drama Supporting Actor sa nakaraang 33rd PMPC Star Awards for TV para sa teleseryeng The General’s Daughter.  Huling nakamit ng aktor ang kaparehong award noong 2016 para naman sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na umeere pa rin hanggang ngayon na pinumumunuan ni Coco Martin.

Samantala, sobrang nabitin kami sa episodes 5 and 6 ng Bagman 2 sa iWant nitong Sabado ng gabi kasi naman umiinit na ang kuwento ay at saka naman abangan ang susunod na episode 7 at 8.

Ang mga kasama ni Arjo bilang si Benjo Malaya sa Bagman 2 ay sina Carlo Aquino, Rosanna Roces, Romnick Sarmenta at marami pang iba.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top