Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Self-care, mensahe ng Miss Silka Philippines 2019 Beauty Pageant
Self-care, mensahe ng Miss Silka Philippines 2019 Beauty Pageant

Self-care, mensahe ng Miss Silka Philippines 2019 Beauty Pageant

DALAWAMPU’T ANIM na mga naggagandahang dilag ang rarampa bukas ng hapon, 5:00 p.m. sa Market Market Activity Center para sa Miss Silka 2019 Coronation Night. Ang 26 candidates ay mula pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa press presentation ng Miss Silka Philippines 2019, naging paborito  sina Miss Baguio at Miss Bulacan dahil sa angat na kagandahan at pagiging articulate. Para ngang nasa pageant night na kung sumagot ang karamihan sa mga kandidata. Kaya naman nasabi naming ang batch na ito ang magaganda at matatalino.

Samantala, hindi itinago ni Miss Bulacan na may nanliligaw sa kanyang taga-showbiz bagamat hindi niya pinangalanan. Nagwo-workshop kasi si Miss Bulacan sa Star Magic kaya marami siyang nakakasalamuhang artista. Pero iginiit ni Miss Bulacan na mas focus muna siya sa career niya kaysa pagkakaroon ng lovelife.

Handa namang ma-bash ni Miss Baguio makapareha lamang niya si James Reid. Natanong kasi ang mga kandidata sakaling mabigyan ng pagkakataong makatrabaho ang isang artista, sino iyon? At walang takot na sinabi ni Miss Baguio na si James nga ang nais niyang makatrabaho. Handa nga siyang agawin ito kay Nadine Lustre.

Sinabi naman nina Miss Cebu, Miss Bicolandia, Miss Palawan, at Miss GMA na inaalagaan nila ang kanilang sarili gamit ang Silka products.

Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman ni Ms. Eunice Apple de Belen ang kaibahan ng Miss Silka Philippines sa ibang beauty contest.

Anang Silka senior brand manager, “Miss Silka Philippines is not just about beauty and glamor, we’ve always promise the ‘alaga sa sarili o self-care for this year, 2019.

“Ibig sabihin, we want to focus on self-care, self-love, independence kasi importante na alagaan muna natin ang sarili natin before we can fully take good care of others like your love ones, advocacy and others di ba mayroon tayong kasabihan “we cannot give something that we do not have, so it has to start from ourselves from within and kapag punompuno na tayo na you will see how much more ang maibibigay natin sa ibang tao.”

Ang maganda pa sa Miss Silka Philippines, sa 12 taon na isinasagawa nila ito, sila lamang ang beauty contest na may naiuuwing consolation prizes ang non-winners. Ito ay nagkakahalaga ng P6,000. Kaya hindi uuwi ang 22 kandidata dahil may maiuuwi silang halaga.

Ang tatanghaling Miss Silka Philippines 2019 ay makapag-uuwi ng P150,000 at mga produkto ng Silka at may P100,000 worth of donations para sa chosen charity. Ang ibang mga mananalo tulad ng 1st runner-up 2019 ay mag-uuwi ng P100,000; ang 2nd runner-up ay P70,000; at ang  3rd runner-up naman ay P50,000.

Ang mga special award ay may kalakip ding halaga tulad ng Miss Talent – P5,000; Best in Evening Gown – P5,000; Ms Swimwear – P5,000; Ms Photogenic – P5,000; Ms Juicy Cologne – P5,000; Ms Casual Wear – P5,000, Ms Congeniality, at Popular Choice Award.

Ang singer/actress/host na si Yanah Laurel at Radio DJ Sean Kyle ang host sa grand coronation night, samantalang special guest si Angelica Panganiban bilang bagong Silka Green Papaya Soap brand ambassadress at si Jason Dy ang haharana sa mga kandidata.

Ginanap naman ang Swimwear at talent competition sa URBN Bar, Timog Quezon City at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center nitong Nobyembre 27-28. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top