Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Martina, ayaw nang magka-baby si Aiko — Gusto niya siya pa rin ang baby
Martina, ayaw nang magka-baby si Aiko — Gusto niya siya pa rin ang baby

Martina, ayaw nang magka-baby si Aiko — Gusto niya siya pa rin ang baby

NILINAW ni Aiko Melendez na naglolokohan lang sila ng kanyang boyfriend na si Subic Vice Governor Jay Khonghun ukol sa kanyang pagbubuntis. Ang paglilinaw ay isinagawa ni Aiko nang makausap namin  sa launching ng bago niyang endorsement, ang Theobroma Super Food.

Ani Aiko, “Naglolokohan lang kami. Hindi ko alam na after kong mag-post, nag-post din pala siya ng scanned test pregnancy picture…siraulo ‘di ba?”

Sinabi pa ni Aiko na hindi na siya open sa ideang magka-anak muli dahil na rin sa hindi sumasang-ayon ang kanyang bunsong si Martina.

“Ayaw kasi ni Martina. Gusto niya kasi na siya pa rin ang baby eh. And ayaw kong biglain din siya at saka 43 na rin naman ako. Medyo ano na (delikado) rin sa pregnancy although malakas pa (menstruation). Puwede pa,” paliwanag ni Aiko.

Iginiit pa ni Aiko na kung mag-aanak muli siya, gusto muna niyang kausaping mabuti si Martina. “Kasi siyempre gusto niya baby pa rin siya kasi 13 lang siya. And naiintindihan naman din ito ni Jay. Ayaw din niyang i-force ang mga bata sa ganitong sitwasyon na hindi naman nila acceptable.

“To begin with, our kids is our priority,” saad pa ni Aiko.

Paliwanag pa ni Aiko,”Minsan sinabihan ko siya (Martina) ng, ‘do you want to have a baby? Mama will adopt.’ ‘Anong adopt? Eh puwede ka namang mag-baby pero I don’t like ‘di ba?’ Ganoon. So mayroon akong pasakalye na adoption pero ayaw niya talaga.”

Sa kabilang banda, ginamit muna pala ni Aiko ang Theobroma bago niya inendoso ito. Kumbaga, sinubukan muna niya dahil nakikita niya ito sa post ng kanyang kaibigan sa Facebook.

At sa paggamit nga niya, umokey ang kanyang blood pressure na mula sa 150/100, bumaba ito sa 110/70. Kinailangan pa nga siyang dalhin noon sa ospital. Mabuti na lamang at ngayo’y may Theobroma na siya kaya hindi na tumataas ang BP niya.

Paliwanag ni Aiko, ”Ang Theobroma ay may ingredients na cacao which helps you sa metabolism, so it really helps you to lose weight, ‘yung metabolism mo and then ‘yung blood flow mo and toxins mo.

“When that happens, lahat ng ano sa health mo, matutulungan talaga ng Theobroma and I started taking it March (2019).”

Pinatunayan naman ng taga-F2N Marketing, gumagawa ng Theobroma na bumibili talaga sa kanila si Aiko.

“Talagang bumili ako walang discount, ngayon may supply na ako, ha, ha, ha at puwede ko na itong i-share sa lahat na i-try nila ang Theobroma kasi effective talaga, in three days lang. Nakaka-energize pa,” sambit pa ng aktres.

Maraming benepisyo ang nakukuha sa Theobroma tulad ng nagpapalakas ng immune system, nire-regulate ang cholesterol, ini-improve ang digestive system, pinalalakas ang stamina at energy, pinoprotektahan ang liver at puso, ini-improve ang mental performance, vitality at sexual potency, promotes nerves, muscles and bone helath, ini-inprove ang fat at protein metabolism, prevent osteoporosis, prevent catact at glaucoma, nagbe-burn ng fats, promotes faster wound healing, reduce the risk of prostate cancer at nagpo-promote ng healthy skin, hair, nails at bones.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top